Kilalang male celeb nahuli ni misis sa condo, may kalaguyong lalaki | Bandera

Kilalang male celeb nahuli ni misis sa condo, may kalaguyong lalaki

Cristy Fermin - January 14, 2019 - 12:15 AM

KAHIT anong tago pa ang gawin ng mga nagmahalan at nagkahiwalay na perso-nalidad ay hindi ‘yun mangyayari. Kahit gaano pa kahigpit ang kanilang usapan na walang magsasalitang sinuman sa kanila ay siguradong lalabas at lalabas pa rin ang mga kuwento kung bakit sila nagkahiwalay.

Walang lihim na hindi nabubunyag. Gaano man katindi ang pagtatago, u-mabot man ‘yun nang ilang taon, ay lalabas at lalabas pa rin ang katotohanan.

Babae ang sinasabing dahilan ng paghihiwalay ng isang showbiz couple, nahuli diumano ng misis si mister na may itinatagong kabitsina sa nabili nitong condo unit, pero ibang-iba naman ang bersiyon ng kuwentong alam ng mga kaibigan nila.

Sabi ng aming source, “’Yun ang kumalat na kuwento, ‘yun ang duda ng mga taong naghihintay ng paliwanag nila. Wala naman kasing nagsasalita sa kanila, di ba?

“Wala, kaya hanggang pagdududa lang ang alam ng mga close sa kanila. Pero may mga kakilala sila na iba ang alam, hindi babae ang dahilan, kundi lalaki,” bitin na umpisa ng aming chikadorang impormante.

Magkasama pa rin sila sa isang bubong, pero madalas na nasa kanyang condo ang aktor, ‘yun ang naging mitsa ng hindi na nila pagpapakialaman ngayon.

“Alam ng girl ‘yun, matagal na niyang alam na may ka-close na kaibigan ang husband niya. Nu’ng una siyempre, friendship lang ang alam niya, pero nu’ng magtagal na, alam na ng girl na iba na ang relas-yong meron ang mister niya at ang guy.

“Pareho silang educated, pareho silang professional, madali silang nagkaintindihan. Wala nang naging problema, nagkasundo na lang sila na sa bahay pa rin nila uuwi ang male personality, pero may lalaki rin siyang inuuwian sa condo.

“Ganu’n lang kasimple. Walang away na naganap, hindi alam ng mga anak nila ang totoong dahilan ng hindi pag-uwi ng kanilang daddy sa bahay nila, ganu’n sila ka-secretive tungkol sa sitwasyon nila.

“Mas sinuwerte pa nga sila nu’ng lumabas na ang totoo. Maraming projects ang male personality, naibibigay niya ang mga needs ng kanilang mga anak, bukod kasi sa pag-arte, madalas din siyang sumisigaw ng action at cut!” pagtatapos na chika ng aming source.

Mauupo pa kaya kayo n’yan sa Row 4 na katabi ang mabahong basurahan, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, o getlak n’yo na kung sinu-sino ang bumibida sa kuwentong ito?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending