Gabbi Garcia, Khalil Ramos magdyowa na, pero bawal umamin

By Jun Nardo January 13,2019
share this

Gabbi Garcia, Khalil Ramos magdyowa na, pero bawal umamin

By Jun Nardo January 13,2019
share this


ANG Kapuso singer-actress na si Gabbi Garcia ang unang artista na featured sa digital cover ng online lifestyle magazine na Wonder.

Sa interview kay Gabbi, inilahad niya ang mga gagawing projects for 2019 gaya ng pelikulang “LSS” at ang kauna-unahan niyang major concert. Ngayon pa lang ay pinaghahandaan na ito ni Gabbi para masigurong magmamarka ito sa kanyang mga fans.

Kahit busy ang schedule, binibigyan pa rin niya ng oras ang pamilya at mga close friends. Talagang naglalaan siya ng panahon para maka-bonding ang mga ito.

Siyempre, kabilang na riyan ang rumored boyfriend niyang aktor na si Khalil Ramos, huh! Wala pang diretsong pag-amin mula sa dalawa pero marami ang nagsasabi that they’re already playing beautiful music together.

Bawal pa ba silang umamin sa kanilang relasyon?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending