Kris waging-wagi ang ‘resbak’ laban sa mga sawsawera

By Cristy Fermin January 11,2019
share this

Kris waging-wagi ang ‘resbak’ laban sa mga sawsawera

By Cristy Fermin January 11,2019
share this

BIMBY, KRIS AQUINO AT JOSHUA

Tama lang ang ginawang pangdededma ni Kris Aquino sa mga isyung ibinabato laban sa kanya, lalo na sa mga taong wala namang kinalaman sa mga nagaganap, pero nakikisawsaw.

Hindi makatutulong sa kanyang sitwasyon ang pagpatol sa mga taong walang masyadong pinagkakaabalahan sa kanilang buhay at career kaya meron silang sobra-sobrang panahon para makigulo.

May mga tao talagang kapag nakakakita na ng tsubibong puwedeng angkasan ay humihirit, nakikisali sa argumento, kahit pa napakababaw lang naman ng alam nilang impormasyon.

Unahin na lang muna ni Kris ang kanyang kalusugan, kailangang malaman niya na kung anu-ano talaga ang nagiging sanhi ng pag-atake ng kanyang allergy, hindi simple ang kanyang pinagdadaanan.

Maraming naglalaro sa kanyang isip hanggang hindi pa niya nalalaman ang pinal na resulta ng kanyang sakit. Ang dalawa niyang anak na sina Josh at Bimby ang inaalala ng aktres-TV host, lalo na si Josh, na nangangailangan ng espesyal na pangangalaga.

Ganu’n talaga ang magulang, lalo na sa sitwasyon ni Kris na single parent, parang multong dumadalaw sa isip ng isang ina kung ano na ang mangyayari sa kanyang mga anak kapag nawala siya?

Pero palaging may pag-asa, kalat ang milagro sa iba’t ibang hugis at paraan, siguradong may paggaling ang kanyang sakit na ilang taon nang bumabagabag sa kanya.

Matindi naman ang pananampalataya ni Kris Aquino, naniniwala siya na pinakamagaling na doktor sa lupa ang Panginoon, kaya isang araw ay malalampasan niya rin ang matinding paghamong ito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending