Horoscope, January 10, 2019 | Bandera

Horoscope, January 10, 2019

Madam Sophia |January 10,2019
facebook
share this

Horoscope, January 10, 2019

Madam Sophia - January 10, 2019 - 02:16 PM

Para sa may kaarawan ngayon: Magpasalamat lagi kay Lord, dahil sa taong ito ng 2019 higit na mas maraming biyaya ang matatanggap. Sa pag-ibig, tuloy ang maligayang pakikipag-relasyon sa isang Cancer. Mapalad ang 4, 18, 29, 36, 40 at 48. Mahiwag mong mantra: “Aum-Gorocha-Sandapha-Om.” Green at orange ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) — Sa pag-ibig, kulitin ng kulitin ang iyong kasuyo, bibigay din yan. Sa pinansiyal, wag kang titigil hangga’t hindi ka yumayaman. Mapalad ang taong ito ng 2019 para sa iyo lalo na sa love life at sa aspetong pang-pinansyal. 3, 15, 21, 33, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum”. Lilac at beige ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Sa taong ito ng 2019 wag mag pautang, maaaring hindi ka na naman mabayaran. Iwasan ang sobrang awa sa kapwa na alam mo namang tatamad-tamad. Sa pag-ibig, wag sabayan ang topak ng kasuyo. Mapalad ang 9, 18, 27, 33, 42 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Gayatri-Dosya-Om.” Pink at blue ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) — Sa pananalapi, kailangang “tumango-tango” sa kausap upang masarado na ang transaksyon. Sa pag-ibig, sa sandaling ang kasuyo mo naman ang masunod, tuloy-tuloy ng lalago at uunlad ang kabuhayan. Mapalad ang 5, 14, 23, 34, 41 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Adonai-Elohim-Elshaddai.” Beige at green ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Sa pag-ibig at pinansyal, wag pag hinalaan ang kasuyo ng hindi maganda, sa taong ito ng 2019 ipayapa ang isipan upang mas maraming biyaya at grasya ang dumating. Mapalad ang 7, 15, 22, 32, 39 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Avayara.” Green at red ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — Sa taong ito upang magtuloy-tuloy ang suwerte kung manatili kang tapat sa mga taong pinagkakautangan ng loob. Sa pag-ibig, ibigay ang pinaka-masarap na romansa sa minamahal. Mapalad ang 4, 19, 28, 31, 44 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Yantra-Migeta-Om.” Yellow at violet ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) — Sa taong ito magnilaynilay: Ask mo ang iyong sarili: “Aanhin ang pera kung malungkot ka naman?” Hapain ang isang Libra na sa iyo ay tunay namang nagpapaligaya. Mapalad ang 5, 14, 25, 34, 41, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Kebalam”. Yellow at pink ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Hindi pa huli ang lahat upang magbagong buhay! Sa simbahan ihingi ng tawad kay Lord ang mga nagawang kasalanan. Sa ganyang paraan gagaang ang kalooban. Kapag magaang ang pakiramdam tuloy-tuloy ang ang dating ng suwerte at magandang kapalaran. Mapalad ang 3, 17, 2, 18, 29 at 40. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mohaya-Mohaya-Om.” Violet at red ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Sa taong ito ng 2019 ingatan ang kalusugan. Wag abusuhin ang katawan sa mga bisyo at mga pagpapasarap na wala namang kabuluhan. Kailangang humaba ang buhay, upang makapiling mo pa ng mahabang panahon ang mga mahal sa buhay. Mapalad ang 7, 18, 29, 34, 38 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Sarva-Kuru-Om.” Yellow at magenta ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Sa taong ito upang lumigaya, wag magtanim ng galit sa halip ang itanim ay pag-ibig sa kapwa. Sa pinansyal habang natututong magpatawad at mag mahal, lalong lalago at uunlad ang kabuhayan. Mapalad ang 4, 18, 27, 34, 40 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Harim-Haram-Haram-Harim”. Blue at apple green ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Sa taong ito ng 2019 higit na kikita ng malaking halaga kung laging paiiralin ang pagiging mahinahon. Sa pag-ibig, pagpasensyahan ang topaking kasuyo, bukas-makalawa, babait din siya. Mapalad ang 7, 17, 29, 39, 44 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Sarvasaya-Jivanna.” Red at violet ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Kung ayaw pa ring magbago ang kapalaran, magpa-putol ng buhok. Sa bagong hair style, magiging masaya na ang love life, habang sa pinansyal, tuloy-tuloy na ang pasok ng wuwerte sa aspetong pang mataeryal. Mapalad ang 4, 13, 22, 38, 40 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gayatri-Dheemari-Om.” Yellow at lilac ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — Kung nagbabalak mag-abroad, sa taog ito ng 2019 siguradong matutuloy ka. Kaya lang dahil sa hindi ka marunong mag-ipon, wala na namang mangyayari sa kikitain sa ibang bansa. Kapag kumita ng malaking halaga, unahin ang pages-savings Sa ganyang paraan higit kang uunlad at magiging maligaya. Mapalad ang 7, 16, 23, 32, 38 at 41. Mahiwaga mong mantra: “Bon-Voyage!” White at red ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending