Viral video nina Alden at Mama Ten ikinagalit ng netizens: Ang bastos!
NA-BASH nang todo si Alden Something when a video showing him hitting his alalay Mama Ten on the face surfaced on social media.
Actually, the video sa Twitter which showed the Kapuso actor na sinasaktan si Mama Ten ay ikinagalit nang todo ng netizens kahit na sabihing ito ay pabiro.
Ang feeling ng ilan ay pambabastos ito ni Alden kay Mama Ten. Hindi raw tamang on national television ay ipakita ni Alden kung paano niya itrato ang kanyang alalay.
With that, tila walang paglagyan ng good comments and Twitter dahil sa ginawa niya.
“God fearing pa, but look how he mistreats MM10 who stood behind him during his dark years yet he is disrespectful & boastful to him. What a waste, hibangs still adored & hailed this guy even shipped to M (Maine Mendoza), so fearful. Find someone for M but not him.”
“NOW binabatuk-batukan na lang sa harapan ng madlang people. Ang bastos!”
“Nawala lang respeto ko, habang tumatagal talaga saka mo lang makikilala at malalaman ang totoong kulay at pag-uugali.”
“Nagalit sya kay M sa biro tungkol ke M10 pero ‘yung pagsapok n’ya sa mukha nu’ng PA n’ya, hindi siya nasaktan. Kahit binabayaran n’ya siya as PA dapat respetuhin n’ya siya lalo na dahil ang laki ng sacrifice ni M10 sa kanya. Tinawag pa nyang Mama kundi rin lang igagalang.”
“Magaan ang kamay nito manakit. Kahit may camera di napigilan na saktan si M10. Di na lang sa braso or balikat tinapik sa ulo pa talaga. Akala niya magandang biro yun.”
“Sobrang bait ni Mama10 pala. Sobrang bastos nu’n isa naman. Tsk tsk.”
“It’s not even funny. it’s ABUSE! Shet!”
Ano kaya ang reaction ni Alden about this.
May nagtanggol naman kay Alden and said, “BIRUAN LANG NILA ‘YAN! TONG MGA TO!
MAKAGAWA LANG NG ISSUE! Pag close na kayo ng isang tao, natural lang ang lokohan na ganyan parang hindi n’yo naman ginagawa yan sa mga kaclose n’yo! Mga plastik!”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.