MARIAN ibinilad ang hubad na katawan sa FHM victory party; di kinaya ng powers ni DINGDONG | Bandera

MARIAN ibinilad ang hubad na katawan sa FHM victory party; di kinaya ng powers ni DINGDONG

Dinno Erece - July 12, 2013 - 03:20 PM

Mas daring ang costume, mas pinalakpakan sa FHM Sexiest party. Obnoxiously, FHM is a man’s world and so its victory party is a man’s party. Hindi mahulugang karayom ang kalalakihang dumagsa sa World Trade Center last Wednesday night for the annual FHM Sexiest Women in the world party. Ninety percent ng audience talagang kalalakihan.

Parang walang female fans na nagpunta just to see their idols in undress modes dahil lalaki nga ang magkaka-interes dito. Hindi naman na-disappoint ang mga lalaking nakipagsisikan that night ha dahil nabusog ang mga mata nila sa hubaran.

Just imagine na ang mga no-name female models numbering to 50 na rumampa, braless lahat and string bikini lang. Ang mga nipples tinatakpan lang ng glitters or mahabang buhok.

With such a start, we can only imagine ang mga female stars na rarampa that night na baka mas pansinin nga ang mga hubad na babae kaysa sa kanila kahit sila ang mga artista and the others are just daring models.

Only those who went daring with their costumes ang pinalakpakan ng todo ng mga kalalakihan quesehodang maliit o malaki ang pangalan nila.

Of all the female stars na rumampa – hindi na namin babanggitin ang iba – ang may mga pinakamalalakas na palakpakan at may kasama pang hiyaw are that of Daiana Menesez, Rufa Mae Quinto, Jackie Rice even Roxanne Barcelo and later on Michelle Madrigal.

Ang common factor nila, mga naka-daring two piece swimsuits sila whereas the rest, daring clothes lang.  Si Michelle nga, kung hindi pa inalis ang palda, hindi pa siya papalakpakan ng todo.

Dito hindi nagpahuli ang number one sexiest woman in the world for the FHM survey, si Marian Rivera. Making sure na makikipagtalbugan siya, lumabas si Marian in two piece gold outfit with gold wings kaya piyesta talaga ang mga boys sa kaniya.

Hindi yata pumunta si Dingdong Dantes sa event, now we know kung bakit.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending