Coco tuloy ang panata para sa itim na Nazareno; Nag-alay ng kanta sa vigil

ILANG bahagi ng kanyang panata sa Mahal Na Nazareno, naglaan talaga ng panahon ang Teleserye King na si Coco Martin para sa vigil ng Traslacion na ginanap sa Quirino Grandstand kagabi.

Nag-perform ang Kapamilya actor sa harap ng libu-libong deboto ng Nazareno bago simulan ang Traslacion. Kinanta ng Ang Probinsyano lead star ang “Awit ng Kabataan” na swak na swak sa “Year of the Youth” ngayong 2019.

Pagkatapos ng kanyang performance, muling ibinahagi ni Coco kung paano nagsimula ang kanyang debosyon sa Poong Itim na Nazareno. Aniya, taun-taon talaga siyang nakikiisa sa Traslacion dahil naniniwala siya na pagbibigyan ng Nazareno ang kanyang mga dasal.

Dagdag pa ng binata, pati ang lahat ng problema at pagsubok na dumaratin sa kanyang buhay ay sa Black Nazarene niya inilalapit. Isa nga sa mga sinagot na dasal niya ay ang pagkakaroon ng magandang buhay para sa kanyang pamilya at ang makatulong sa mga nangangailangan.

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Coco ng ilang video at litrato na kuha sa naganap na vigil.

Coco Martin nagperform sa stage

Nilagyan niya ito ng caption na: “Wala po akong ibang pinagpapasasalamatan sa lahat ng blessing na nakakamit ko ngayon at sa lahat po ng tulong na naibibigay ko sa pamilya ko at sa aking kapwa lahat po yon ay bigay ng Mahal na Nazareno.”

Dagdag pa niya, “Yung pagmamahal mo sa ating Panginoon at pagmamahal mo sa pamilya yan ang tinatawag na totoong pagmamahal.”

READ MORE:

Debotong may sakit hindi kailangang sumama sa prusisyon ng Nazareno

Boy ikinumpara kay Kareem Abdul Jabbar

Tanong kaugnay ng benepisyo sa Employees’ Compensation

Read more...