PINAY BEAUTY QUEEN WAGING MISS TOURISM WORLD 2019 INTERCONTINENTAL

FRANCESCA TARUC

WAGI muli ang Pinay beauty sa isang international pageant. Magandang buwena mano ngayong 2019 ang pagkakapanalo ni Francesca Taruc ng Angeles City, Pampanga sa katatapos lang na Miss Tourism World 2019 Intercontinental.

Ginanap ang grand coronation nito kahapon sa Nanjing, China. Bukod sa titulo at korona napanalunan din ni Taruc ang “Best Body” award matapos ang preliminary round.

Si Taruc ay isang Mass Communications degree holder and Holy Angel University alumna. Siya rin ang naging representative ng Pilipinas sa nakaraang 2018 Miss Freedom of the
World na ginanap noong Hulyo.

Samantala, nakuha naman ni Miss Tatarstan ang first runner up habang second runner-up si Miss Ukraine.

Read more...