Nanay ng kontrobersyal na hunk actor mayabang na epal pa | Bandera

Nanay ng kontrobersyal na hunk actor mayabang na epal pa

Cristy Fermin |January 09,2019
facebook
share this

Nanay ng kontrobersyal na hunk actor mayabang na epal pa

Cristy Fermin - January 09, 2019 - 12:15 AM


NAULIT na naman ang kasabihan na kadalasan, ang nakasisira sa career ng mga artista ay ang kanilang stage mother, ang mga ito ang umeepal na nakakaapekto sa imahe at karera ng kanilang mga anak.

At may isa na namang stage mother na pinag-iinitan ngayon sa social media. Kung anu-anong salita ang ipinakakain ngayon sa maepal na nanay ng isang kontrobersiyal na hunk actor.

Kuwento ng aming source, “Naku, ayan ang napala niya! Hindi muna kasi niya inaalam ang mga tunay na pangyayari, sawsaw siya nang sawsaw, ano ngayon ang nangyari sa kanya?

“Ayan, pinakakain siya ngayon ng ampalaya, ang ipinaiinom sa kanya na parang tubig, e, apdo, talagang pinag-iinitan siya ngayon!” umpisang chika ng aming impormante.

Lumaki ang kontrobersiyal na hunk actor sa poder ng kanyang ina, bihira lang silang magkita ng kanyang ama, kaya ang komento ng marami ay nakuha ng aktor ang kanyang ugali sa mommy dearest niya.

“Mahirap kasi ang ganyang epal. Wala pang alam, e, nakikipag-away na sa mga bashers! Patola ang nanay na ito, talagang sagot kung sagot siya sa mga taong nagkokomento tungkol sa controversy na pinasukan ng mahal niyang anak!

“Siya tuloy ang sinisisi sa social media kung bakit maangas ang ugali ng anak niya! Namana raw sa kanya nu’ng anak niya ang kayabangan niya! Huwag muna kasing umeepal, magtanung-tanong muna, para hindi sila napapahiya!

“Mabuti pa ang father ni aktor, mapagkumbaba, hindi niya kinukunsinti ang kamaliang ginawa ng anak niya! E, si mudra? Ayan, patola pa rin sa mga bashers!

“Ano naman ang laban niya sa mga nagagalit sa kanilang mag-ina? Nagsalita na ang bayan, tantanan na ang kaepalan!

“Naku, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, walang nakareserbang upuan ngayon sa inyo sa Row 4 na katabi ang mabahong basurahan, sila ang issue ngayon!” pagtatapos ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending