Gretchen versus Kris: Bakbakan ng tunay at nagpapanggap lang na 'Cojuangco' | Bandera

Gretchen versus Kris: Bakbakan ng tunay at nagpapanggap lang na ‘Cojuangco’

Cristy Fermin |January 07,2019
facebook
share this

Gretchen versus Kris: Bakbakan ng tunay at nagpapanggap lang na ‘Cojuangco’

Cristy Fermin - January 07, 2019 - 12:10 AM


KAYANG-KAYANG lusutan ni Gretchen Barretto ang ginawa niyang pakikisawsaw sa komento ng idinemanda ni Kris Aquino tungkol sa diumano’y pagbabanta ng aktres-TV host na ipapa-patay ito ng kanyang pamilya.

Napakaliit na issue ito para hindi maihanap ng lusot ni Gretchen. Kung ang mga personal ngang iskandalo sa kanyang buhay ay nagawa niyang basta tawanan lang ay ito pa kaya?

Madali niyang sabihin na wala naman siyang bi-nabanggit na pangalan, hindi niya naman kinokontra si Kris at mas kumakampi pa siya kay Nicko Falcis, kaya bakit siya bina-bash ng mga tagasuporta ni Kris?

Pamba-bash kay Gretchen, paano niya hahangaan ang taong nakikipagpatayan para sa kanyang pamilya, samantalang siya nga, kalaban mismo niya ang kanyang mga ma-gulang?

Pinetsarahan si Gretchen ng isang basher na ang sabi, “Heto ang isang nagpapanggap na Cojuangco at isang tunay na Cojuangco na mukhang magkakaroon ng away! Maganda ito!”

Nag-iingay lang si Greta. Gusto rin naman siyempre niyang makaamot nang kahit kaunting espasyo lang sa mga pahayagan at sa social media. Sabi siguro niya, bakit, si Kris Aquino lang ba ang may karapatang maging kontrobersiyal?

Bakit, wala ba siyang name, para paminsan-minsan ay makaagaw rin ng atensiyon ng publiko?

Hahalakhakan lang niya ang pakikisawsaw niyang ‘yan!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending