Maymay emosyonal ang pamamaalam sa ina; may pa-tribute sa mga OFW | Bandera

Maymay emosyonal ang pamamaalam sa ina; may pa-tribute sa mga OFW

|January 07,2019
facebook
share this

Maymay emosyonal ang pamamaalam sa ina; may pa-tribute sa mga OFW

- January 07, 2019 - 12:05 AM

MAYMAY ENTRATA

NAGING madrama ang pagpapaalam ni Maymay Entrata sa kanyang nanay matapos ang ilang araw na pagbabakasyon sa Japan. Talagang iniyakan ng young actress ang nanay.

Sa Japan nagtatrabaho ang ina ni Maymay na si Nanay Lorna at nang magkaroon ng pagkakataon nitong nagdaang holiday season dinalaw niya ito kasama ang kanyang pamilya.

Sa kanyang Instagram account nag-post ang dalaga ng litrato nilang mag-ina na magkayakap. Nilagyan niya ito ng madamdaming caption kung saan pinuri rin niya ang lahat ng mga OFW.

“Ngayon mas naintindihan ko na kung gaano kasakit mawalay sa mahal mo sa buhay para lang matustusan ang pangangaila-ngan nila. Mahal na mahal kita Ma, alam mo yan.

“Kaya ang saya-saya ko na unti-unti nababawi ko ang lahat ng sakripisyo mo para sa ‘min.

“Kaya sa lahat po ng OFW ako po ay saludo sa sakri-pisyo, pagtitiis, at pagmamahal ng walang katumbas para lang mabigyan ang mahal niyo sa buhay ng magandang kinabukasan,” pahayag pa ni Maymay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending