Kalat na: Tony Labrusca walang working visa sa Pilipinas; Nakipagsigawan sa Immigration officer sa NAIA | Bandera

Kalat na: Tony Labrusca walang working visa sa Pilipinas; Nakipagsigawan sa Immigration officer sa NAIA

Ervin Santiago - January 04, 2019 - 08:44 AM

WALA palang working visa ang hunk actor na si Tony Labrusca para malayang makapagtrabaho sa bansa bilang artista.

Ito ay kung paniniwalaan ang naging pahayag ng isang netizen na nagpakilalang isang Immigration officer na diumano’y nakasaksi sa paninigaw at pagmumura ng binata habang nasa loob ng NAIA Terminal 1.

Sa pamamagitan ng kanyang Facebook account, inilahad ng netizen ang pag-iiskandalo raw ni Tony sa airport habang nakikipag-usap sa mga Immigration staff.

Ipinost ng nasabing netizen ang screenshot ng Twitter post ni Tony kung saan sinabi nito na 30 days lang siyang pinayagan ng Immigration na manatili sa Pilipinas dahil tourist visa lang ang kanyang naipakita.

Tweet ng leading man ni Angel Aquino sa pelikulang “Glorious”, “Just landed in Manila and the Philippine immigration only gave me 30 days here . LOL . k.” Hindi na nagdetalye pa ang binata tungkol dito.

Narito naman ang mahabang post ng netizen, “You don’t have a Philippine passport, not even born in the Philippines, and not travelling with filipino parents, but you want the same treatment as the other former filipinos.

“You even shouted and cursed at my supervisor, bragging that you’re a celebrity.

“Ang galing mo talaga umeksena, hindi ka na nahiya sa ibang tao. Sigaw ka nang sigaw sa harap ng officers.

“Boo!”

“The funny thing is, you were so proud to brag that you work here when you’re only suppose to be a tourist here in the Philippines.

“Tapos mai ganito ka pa na post. Palakpakan! For your info, Balikbayan visa is not a working visa.

“Nakakahiya ka. Period.”

Wala pang official statement si Tony tungkol sa isyung ito. Pero sumagot ang kanyang amang aktor na si Boom Labrusca sa netizen at humingi ng paumanhin sa nangyari. Bukas ang pahinang ito sa panig ni Tony para sa mas ikalilinaw ng kontrobersya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Burado na rin ang Facebook post ng nagpakilalang Immigration officer.

Isang full-blooded Filipino ang Kapamilya actor pero ipinanganak siya at lumaki sa Amerika.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending