Horoscope, January 04, 2019 | Bandera

Horoscope, January 04, 2019

Madam Sophia - January 04, 2019 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Ingatan ang salapi na natitira pang hawak dahil sa padaskol-daskol at wala sa lugar na paggastos ay masisimot na naman ang laman ng bulsa. Sa pag-ibig, sopresang masasarap na romansa ang mararanasan ngayong taong 2019. Mapalad ang 1, 13, 22, 31, 34, at 46. Ang mahiwaga mong mantra sa taong ito: “Slowly but surely.” Yellow at purple ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19) — Sa taong ito ng 2019 sa pagiging malikhain ay malaking halaga ng salapi ang kikitain. Sa pag-ibig, dispatsahin na ang lumang karelasyon, palitan siya ng bago na mapera. Mapalad ang 3, 15, 24, 33, 47 at 49. Mahiwaga mong mantra sa taong ito ng 2013: “Babanam-Kebalam.” Red at orange ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20) — Sa pagsisimula ng taong ito ng 2019 ay wag ibinbin ang mga gawain. Kikita ng mas maraming pera kung mabilis na tatapusin ang lahat ng mga gawaing nasimulan. Sa pag-ibig, mamayang gabi ay may masarap na romansang naghihintay. Mapalad ang 6, 9, 18, 23, 34, at 41. Mahigawa mong mantra: “Aum-Nahatha-Mandala-Om.” Pink at beige ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21) — Sa pagiging happy ay lalong gaganda ang kapalaran ngayong 2019. Kaya ang payo, bawal kang sumimangot sapagkat sa pagiging masayahin ka bubuwenasin at magtatamo ng mas marami pang magagandang kapalaran. Sa pag-ibig, kapag happy kayo ng iyong kasuyo ay lalong sasarap at iinit ang romansa. Mapalada ng 5, 18, 23, 27, 33, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Raga-Kastha-Vaanam-Om.” Blue at lilac ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22) — Sa taong ito ng 2019 ay mas maraming magagandang kapalaran ang darating basta’t limutin mo na ang nakaraang kalungkutan. Gumising nang maaga at kumanta-kanta dahil habang nagpapakasaya ka, sasaya rin ang iyong kapalaran. Sa pag-ibig, ang kalungkutang nagdaan ay tuluyan nang mapapalitan ng mga nakakikilig at maliligayang sandali sa susunod na mga araw. Mapalad ang 2, 16, 25, 39, 42 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Nakiel-Aum-Kedemel.” Green at purple ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22) — Sa taong ito ng 2019, iwaksi ang katamaran! Sa dobleng pagsisipag ay mas malaking halaga ng salapi ang kikitain. Sa pag-ibig, dagdag effort ang kailangan upang higit na mapaligaya ang minamahal. Mapalad ang 4, 19, 25, 31, 40 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Agiel-Aum-Zazel.” Orange at pink ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22) — Sa taong ito ng 2019 ay baguhin ang maling ginagawa. Sa pagbabago at dagdag na inobasyon, mas maraming salapi ang kikitain. Sa pag-ibig, bagong estilo ng romansa ang kailangan upang muling uminit ang pagmamahalan. Mapalad ang 3, 18, 27, 30, 39 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Bhagava-Githa-Om.” Red at lilac ang buenas

Libra – (September 23-October 23) — May haling pero masarap na romansang mararanasan at dagdag dito maraming masasaya at mauunlad na karanasang darating sa taong ito ng 2019, basta’t patuloy ka lamang na nagiging tapat sa iyong sarili at sa iyong damdamin. Mapalad ang 3, 18, 27, 33, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Chandaya-Om-Govinda.” Red at pink ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21) — Disiplina ang magpapaunlad ng kabuhayan ngayong taong ito ng 2019. Wag abusuhin ang katawan sa mga gawaing wala namang kabuluhan. Kailangang humaba ang buhay upang matamasa mo ng lubos ang nalalapit mo nang pagyaman. Mapalad ang 5, 18, 32, 34, 38 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Kadad-Bra.” Blue at gray ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21) — Hindi dapat magpadaig sa iba! Sa pinansiyal, lalo mo pang pagbutihin ang mga bagay na nagpaparami ng iyong kinikita, upang bumilis pang lalo ang pag-angat ng kabuhayan. Sa pag-ibig, wag kabahan dahil higit na mas malakas ang iyong karisma kaysa sa iyong karibal. Mapalad ang 6, 18, 27, 25, 34, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-We.” Green at magenta ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19) — Mag-isip ng dagdag na pagkakakitaan. Malaking halaga ang kikitain sa produktong may kaugnayan sa agrikultura at mga butil. Sa pag-ibig, gamitin ang kasuyo upang madagdagan ang inyong income. Mapalad ang 4, 8, 27, 32, 41 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Dosya-Govinda-Rama.” Violet at pink ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18) — Sa taong ito ng 2019 ay laging lumabas ng bahay. Sa pinansiyal, sa pakikisalamuha sa lipunan ay maraming salapi ang kikitain. Sa pag-ibig, sa labas ng bahay ay may bagong pag-ibig at magandang kapalarang mararanasan. Mapalad ang 4, 15, 19, 28, 33, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Josvani-Om.” Red at yellow ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20) — Sa taong ito ng 2019 ay tuparin ang pangako! Maraming umaasa sa iyo kaya lalo mong pang pagbutihin ang paghahanap-buhay. Sa buong taong ito ng 2019 patuloy kang susuwertehin kaya anuman ang hawakan ng iyong mga kamay ay tiyak na mamumunga ng ginto. Sa pag-ibig, wag tanggihan ang kasuyong humihiling ng romansa. Mapalad ang 8, 16, 25, 34, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Jai-Guru-Deva-Om.” Black at lilac ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending