PH Azkals sasabak na sa 2019 AFC Asian Cup | Bandera

PH Azkals sasabak na sa 2019 AFC Asian Cup

Melvin Sarangay - , January 03, 2019 - 07:38 PM

DUMATING na ang Philippine Azkals sa Dubai, United Arab Emirates nitong Huwebes para sumabak sa 2019 AFC Asian Cup.

Magsisimula ang 24-bansa na football tournament ngayong Sabado kung saan ang host country na UAE ay haharapin ang Bahrain sa Abu Dhabi. Ang Azkals ay sasabak naman sa aksyon sa darating na Lunes kontra South Korea sa Dubai.

Ang Azkals, ang No. 116 ranked team sa mundo, ang maituturing na dehadong koponan sa Group D ng torneo na kinatatampukan din ng powerhouse team na China at Kyrgyzstan.

Maliban sa South Korea, nakasagupa na ng Azkals ang dalawang kagrupo nito sa mga nakalipas na taon kung saan tinalo sila ng China, 1-8, sa isang friendly dalawang taon na ang nakakaraan. Dalawang beses naman tinalo ng Azkals ang Kyrgyzstan noong 2016 bagamat ang bansa mula sa Central Asia ay umangat na ang paglalaro papasok sa torneo kung saan nasa No. 91 spot na ito sa pinakabagong FIFA rankings.

“I think its a good draw because at least we’ve played two teams in the group before so we know what to expect,” sabi ni Azkals skipper Phil Younghusband.

Magmumula naman ang Azkals sa isang maigsing training camp sa Doha, Qatar noong Miyerkules bago lumipad patungo sa Dubai. Kabilang sa camp ang 2-4 pagkatalo sa AFF Suzuki Cup champion Vietnam sa isang closed door friendly game.

Nagsimula naman ang paghahanda ng Azkals para sa AFC Asian Cup noon pang Nobyembre sa AFF Suzuki Cup kung saan umabot sila semifinals bago natalo sa Vietnam. Nagpahinga naman ang koponan ng halos tatlong linggo at malaking katanungan ngayon kung ang Azkals ay umabot na sa pinakamahusay nitong porma bago sumabak sa mga powerhouse team na hangad din ang kinakailangang puntos sa kanilang mga laro sa torneo.

Bagamat hindi makakasama ng Azkals ang star goalkeeper nitong si Neil Etheridge ng English Premier League team Cardiff City, hindi naman kapos sa talento at karanasan ang koponan sa pinaka-importanteng torneo na kanilang lalahukan sa kasalukuyan.

Maliban kay Younghusband, ang top international scorer ng Azkals sa natipong 52 goals, sasandalan din ni Azkals coach Sven Goran Eriksson sina Patrick Reichelt, Stephan Schrock at Javier Patino para buhatin ang koponan.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending