Nietes mapapalaban sa title fight kontra Ioka | Bandera

Nietes mapapalaban sa title fight kontra Ioka

Melvin Sarangay - December 30, 2018 - 08:38 PM

TAPUSIN ang taon na may panalo ang hangad ni three-division world champion at longest reigning Filipino boxing world champion Donnie “Ahas” Nietes sa pagsagupa niya ngayong Lunes kay Kazuto Ioka ng Japan para sa World Boxing Organization (WBO) world super flyweight title sa Wynn Palace Cotai sa Macau, China.

Sinabi ng 36-anyos na si Nietes na magiging matindi ang bakbakan nila ng 29-anyos at three-division world champion na si Ioka.

“Siyempre, kailangan ng matinding pag-iingat dahil magaling din siya na boxer. Unahan na lang kami at tiyempuhan sa oras ng laban. Kung sino iyung makakahagip ng magandang tama, malaki ang tsansa manalo. Umaasa ako na ako ang nakataas ang kamay pagkatapos ng laban,” sabi ni Nietes.

Dumating si Nietes at ang ALA team sa Macau noong Pasko. Agad naman siyang sumabak sa ensayo at dumalo sa mga pre-fight activities bago ang kanyang title fight.

Sinabi naman ng trainer ni Nietes na si Edito Villamor na nasa magandang kondisyon ang kanyang alaga matapos nilang makumpleto ang kanilang ensayo sa Cebu sa ilalim ni American conditioning trainer Nick Curson. Kasama naman si Curson sa corner ni Nietes sa araw ng laban.

“Mabigat talaga ang laban dahil parehas namin gusto manalo at makuha ang pagiging four-division world champion,” sabi pa ng tubong-Murcia, Negros Occidental na si Nietes. “I do believe and always have faith in God.”

Naniniwala naman si Nietes at ang kanyang grupo na handa na sila at kasado na ang kanilang game plan para sa laban na maglalagay dito bilang isa sa pinakamatinding boksingero ng Pilipinas.

Aakyat ng ring si Nietes na hawak ang 41-1-5 win-loss-draw record at 23 knockout habang si Ioka ay may 23-1-0 kartada at 13 KOs.

Pasaok naman sina Nietes at Ioka sa timbang para sa kanilang title fight matapos ang opisyal na weigh-in nitong Linggo.

Tumimbang si Nietes ng 115 pounds habang si Ioka ay umabot sa 114.5 pounds.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending