Aktor-politiko mahilig manuhol ng mga kapitan
In particular, mga propesor ng public governance ang kaumpukan namin ng gabing ‘yon. May mga kuneksiyon din sila sa mga opisyal ng barangay tulad ng kapitan.
Our convo meandered on another actor, this time nasa lokal na pamahalaan noon. Walang Pinoy—bata man o matanda; girlalu, boylet, tivoli o beki ang hindi nakakakilala sa bida sa kuwentong ito. Sa katunayan, tatakbo siyang muli sa susunod na halalan.
Noong nasa lokal na puwesto pa siya ay ipinatawag umano niya ang mga kapitan ng barangay na hindi niya kapanalig.
Bongga kasi ang makinarya ng actor-politician, meron silang listahan ng kanilang mga kaalyado. Kung nabibiyayaan ang mga kakampi nila, mas lalo nilang tinatrabaho ang mga hindi to win them over to their political side.
Isa sa mga kapitan ang mismong nagkuwento nito sa aming kawalwalan. Inimbitahan siya ng actor-politiko sa kanyang balwarte.
“O, eto, kalahating milyong piso, basta huwag ka nang kumilos (nang laban sa amin),” diga raw ng aktor sa kapitang nililigawan niya.
Sa kauna-unahan yatang pagkakataon ay noon lang tumambad ke kapitan ang naka-bundle na salapi sa mismong harapan niya. Agad gumuhit ang thought balloon sa kanya.
Kung tatablahin niya ang aktor, alam niya kung saan siya pupulutin. Habambuhay na siyang mananahimik.
Kung tatanggapin niya ang bribe kapalit ng kanyang pananahimik ay may pera pa siya. Entonces, isinilid ni kapitan ang kalahating milyong piso sa kanyang clutch bag.
Tapos ang usapan. Hanggang ngayon, buhay pa si kapitan at for sure, may kinapuntahan ang perang suhol sa kanya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.