Dating matinee idol nagladlad na, rumarampa kasama ang boyfriend | Bandera

Dating matinee idol nagladlad na, rumarampa kasama ang boyfriend

Cristy Fermin - December 29, 2018 - 12:15 AM

PINAGPISTAHAN sa isang mataong lugar sa isang malaking siyudad ang pagrampa ng isang male personality na talaga yatang nakipagkita na sa kanyang tunay na kasarian.

Akalain n’yo ‘yun, bulungan nga ng mga nakakita sa kanya, ilang dekada silang pinaniwala ng aktor na ‘yun na lalaking-lalaki siya?

Paborito siyang leading man nu’n ng mga sikat na artista, puro pagmamahalan pa ang paksa ng kanilang mga pelikula, marami ring kababaihang kinilig sa male personality nu’ng kanyang kapanahunan.

Kuwento ng chikadora naming source, “Tapos, makikita mo siya ngayon na naka-short-shorts! Super-igsi ng shorts niya, ha? Pekpek shorts talaga ang suot niya habang rumarampa-rampa siya kasama ang mga friends niya!

“Hindi naman siya kumekendeng na parang becking pamperya, pero alam mong talagang nagladlad na nga siya, lalo na’t katabi niya ang isang guy na kasabay niyang umi-straw ng milk tea!

“Tama! Isang baso lang ang gamit nila ng guy, dalawang straw naman ang ginagamit nila, pero alam mong may something sa pagitan nila!” tawa nang tawang kuwento ng aming impormante.

Madalas ding makita sa mga bar ang male personality na may mga kasamang becki. Mamam lang sila nang mamam hanggang sa dumami na sila sa mesa.

“Twice na siyang nakita ng mga friends namin na nakikipag-inuman sa mga becki. Sosyaling becki ang mga kasama niya. Tapos, may magdaratingan pa silang mga kaibigan.

“Tapos, may mga darating pa uli, mga lalaki na, kaya kumpleto na ang kanilang grupo! Katabi siyempre ni ____ (pangalan ng male personality) ang isa sa mga guys!

“Talagang wala na siyang pakialam sa mundo, wala na siyang pinoprotektahang image niya, ladlad na kung ladlad ang dating most wanted leading man!

“Impernes, maganda naman siyang becki, ha? Tisay-tisayan nga siya, di ba naman? Nakakaloka lang isipin na dati, e, leading man siya ng mga sikat na aktres, tapos ngayon, e, ayan na siya!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Dyaraaaannnn!!!! Bagay na bagay sa kanya ang pinasikat na song ng isang balladeer na may mga binabanggit na names ng girls sa title.

“Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, Google na!” humahalakhak na pagtatapos ng aming source.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending