Jack Em Popoy mas maganda kesa sa Fantastica; bloopers ni Coco bentang-benta
“Jack Em Popoy” ang unang pelikulang pinanood ng aming mga kasambahay kasama ang aming special child na si Demo. Nahirapan sila sa pagpila pero umuwi silang masayang-masaya dahil maganda raw at nakakaaliw ang pelikulang pinagbidahan nina Bossing Vic Sotto at Coco Martin.
Akala raw nila ay basta mababaw na halakhakan lang ang mangyayari pero maganda pala ang ikot ng kuwento ng mag-amang Vic at Coco.
At dahil sanay silang mapanood sa maaksiyong Ang Probinsyano si Coco ay aliw na aliw ang aming mga kasambahay, magaling din daw palang komedyante ang idolo nilang si Cardo Da-lisay, panalung-panalo!
‘Yun din ang kuwento ng mga kaibigan naming pini-ling mas unang panoorin ang “Jack Em Popoy,” ikalawa nilang pinanood ang “Fantastica” ni Vice Ganda, du’n na sila nagkumpara sa dalawang comedy movies.
Mas maganda raw ang kuwento ng “Jack Em Popoy,” ang kay Vice Ganda raw ay basta tatawa ka lang nang tatawa, pero paglabas mo ng sinehan ay wala kang maaalalang istorya.
“Aliw na aliw ang mga anak ko sa mga bloopers ng ‘Jack Em Popoy,’ lalo na kay Coco Martin, dahil talagang sinabi niyang nerbiyos na nerbiyos siya nu’ng ginawa niya ang eksenang kasali siya sa Mr. Pogi.
“Nakakaaliw na ang movie nila ni Bossing Vic, isang malaking revelation pa ang pagko-comedy ni Coco na sinusubaybayan namin sa serye niyang puro bakbakan,” kuwento pa ni Mareng Liza.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.