Migo Adecer nagpa-tattoo para sa bagong Kapuso serye
NAGBAKASYON si Migo Adecer sa kanyang hometown sa Australia. Nandoon ang kanyang pamilya at kaibigan kaya si Migo, todo-bonding sa kanila sa iba’t ibang lugar doon.
Sa Australia rin nagpalagay ng tattoo sa kanyang dibdib ang Starstruck winner. Nagpasalamat siya sa kanyang artist, ang Orlando and Kaleidoscope Tattoo & Piercing na Roman numeral for seven.
Ang tattoo ni Migo ay malalantad sa bagong Kapuso series na Sahaya kung saan makakasama niya ang tambalang Miguel Tanfelix at Bianca Umali. Isa ang programa sa 2019 offerings ng GMA Network.
Bilang preparasyon sa kanyang role, sumailalim sa matinding training si Migo para lumutang ang katakam-takam niyang katawan, huh!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.