Bentahan online, walang proteksyon kayat huwag patulan! | Bandera

Bentahan online, walang proteksyon kayat huwag patulan!

Susan K - December 26, 2018 - 12:10 AM

KALIWA’T kanan ang komersyalismo sa Internet.

Pati sa social media, pasok na pasok na rin sila. Libre na, walang advertising cost at siguradong marami pa ang makakapanood.

Siyempre pa, palibhasa mapang-enganyong mga video ang kanilang ipinakikita, kung kaya’t kahit walang planong bumili ang nakapanood, napapabili tuloy ito.

Wala sa loob nila na lumilikha lamang ng tinatawag na “articifical need” ang mga videong iyon. Tinitira nila sa emosyon ang nakapanood, kaya kahit hindi naman talaga nila kailangan, bibigyan nila iyon ng katwiran na kailangan nga nila ang naturang produkto. Emotional buyers ang tawag sa kanila.

Kaya order agad si kabayan! Ilang pitik lang ng daliri, pasok na ang bentahan! Ang bilis din namang sumagot ng nagbebenta.ph! Magpapadala sila kaagad ng text message at email na tinanggap na nila ang inyong order at agad-agad ding ipade-deliver iyon. Sa ikalawang araw pa lamang dumating na ang order.

Ang nakalulungkot diyan, darating na basag-basag at damaged ang nai-deliver na produkto. Pero kapag binalikan at magrereklamo na online ang buyer kung saan sila umorder upang ipaalam na kailangang palitan ang naideliver na produkto, wala ka nang maririnig pa mula sa kanila.

Niha niho, wala na silang pakialam kung anuman ang nangyari sa kanilang delivery.

Tulad na lamang ng reklamong tinanggap ng Bantay OCW laban sa BENTA.PH. Maganda umano ang video na napanood niya. Napabili siya tuloy ng isang cookware. COD o cash on delivery ang kasunduan. Dalawang araw pa lamang dumating na ang naturang order.

Tinanggap lamang iyon ng naiwan sa kanilang bahay. Kaya naman nang dumating at nag-check na si kabayan, basag ang produkto. Agad itong nagpadala ng mensahe sa Benta.PH, ngunit wala na siyang narinig na anupaman sa naturang online store magpahanggang ngayon.

Ilang buwan na rin umano ang nakalilipas. Kung anong bilis nilang sumagot kapag may order, siya namang kabaliktaran kapag may reklamo na. Hindi na talaga sila sasagot sa text o e-mail.

Paano nga ba ang operasyon ng mga ito? Ayon sa Bantay OCW Foundation financial expert at segment host ng “Pera Eskwela” na si Joyce Delovieres, sa ganitong mga kaso, hindi isang malaking kumpanya na online store ang kanilang binibilhan.

Maaaring nagsosolo lamang ang nagbebentang ito, solo siya sa kaniyang operasyon at kapag nakakuha siya ng order online, bibili naman siya ng naturang produkto at ipadedeliver iyon. Tapos na doon ang transakyon.
Kaya kapag may reklamo, hindi na niya papansinin iyon dahil wala naman siyang pamalit sa naturang produkto at malulugi na siya kung ipakukuha at magpapadala pa siya ng bagong produkto.

Payo ni Delovieres, kung hindi maiiwasang bumili online, hanapin tangi lamang ang mga lehitimo at mapagkakatiwalaang online stores, may track record at maganda ang review sa kanila.

Huwag agad-agad natutukso sa bawat makita sa Internet. Wala naman silang ibang hangarin sa pagpapalabas ng mga videong iyan kundi ang mahikayat kayo na bumili, ngunit sa bandang huli, biktima na pala kayo ng mapagsamantalang mga negosyanteng ito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Si Susan Andes a.k.a Susan K. ay napapakinggan sa Radyo Inquirer DzIQ 990 AM(M-F 10:30 am 12:00 pm, audio/video live streaming: www.ustream.tv/channel/dziqHelpline: 0998.991.BOCW E-mail: [email protected]/[email protected]

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending