Batas kontra batang kriminal | Bandera

Batas kontra batang kriminal

Leifbilly Begas - December 26, 2018 - 12:10 AM

MERRY Christmas po sa lahat kahit alam ko na hindi naman talaga merry ang Pasko ng maraming Pilipino.
Kasama na rito yung nabiktima ng pekeng detalye sa Facebook.

Walang kamuang-muang ang mag-asawa sa Cainta, Rizal na kumalat sa social media ang kanyang address at sinabing ito ang address ng estudyante ng Ateneo de Manila University Junior High School na nag-viral dahil sa pananakit sa kanyang kaeskuwela na pinapili niya kung bugbog o dignidad.

May mga matataba ang utak na nakaisip na gamitin ang address ng mag-asawa sa Cainta at umorder ng kung anu-ano online. Batay sa mga post na nakita ko merong libu-libo ang halaga at meron na dollars pa ang billing.

May mga fast food chain din na nag-deliver sa naturang address. Grabeng perhuwesyo hindi lang sa mag-asawa kundi maging sa mga kompanya na ginamit para makaganti o makapang-inis.

Mag-isip-isip po muna bago gawin ang mga ganitong bagay. Huwag po magpabulag sa galit o inis o pagnanais na makaganti.

Kung saan-saan na rin napunta ang isyu nadamay na pati ang Taekwondo community.

Ang isyu po ay pambu-bully o paglabag sa anti-bullying law bagamat masasabi na nagamit nya ang kanyang kaalaman sa TKD laban sa kanyang kaeskuwela.

Ang pangyayari sa ADMU-JHS ay nagbukas ng daan upang masilip ang naturang batas at makagawa ng mga amyenda na kailangan upang mas mapalakas at mas maging epektibo ang naturang batas.

May mga nag-iisip din na gamitin ang pangyayari upang bisitahin ang Juvenile Justice Law na nagbabawal na maparusahan ang mga menor de edad na nakagawa ng krimen.

Matagal ng may ganitong panukala sa Kongreso pero hindi nabibigyan masyado ng pansin.

May mga naniniwala na dapat ay limitahan lang sa 12 taong gulang ang exempted sa parusa. Ang 12 taong gulang ay Grade 6.

Marami kasi ang naniniwala na may-isip na ng mga high school ngayong hindi tulad noon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kaya may mga mambabatas na gusto na isama sa maaaring maparusahan ang mga ito. Alam na umano ng mga teenager na nagsisimula sa edad na thirteen ang kanilang ginagawa kaya hindi na sila dapat exempted.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending