Sawsawerang female star naduwag, biglang tameme sa kontrobersyal na isyu ngayon sa Pinas | Bandera

Sawsawerang female star naduwag, biglang tameme sa kontrobersyal na isyu ngayon sa Pinas

Cristy Fermin - December 24, 2018 - 12:15 AM

BIGLANG tumupi ang pakpak ng isang female personality sa isang napapanahong isyu. Bigla siyang napipi at nawalan ng pakialam sa kontrobersiyang pinagpipistahan ng buong bayan ngayon.

Bakit nga ba biglang nabali ang tuka ang sawsawerang babaeng personalidad? Kung dati’y ganu’n na lang kung ma-kisawsaw siya sa kahit anong isyu, ngayon ay natameme ang babae, biglang naging pipi?

Siya ang hinahamon ngayon ng mga netizens, kung matapang daw siya talaga ay ngayon niya ipagbanduhan ang katapangan niya, pero bakit bigla siyang naduwag?

Kuwento ng aming source, “Pinakakain siya ng ampalaya ngayon ng mga netizens, ‘yung pinakamapaklang ampalaya, dahil bigla siyang tameme sa controversy na pinagpipiyestahan ngayon ng mga kababayan natin.

“E, hindi nga ba, napakasawsawera ng babaeng ‘yun? Konting kibot lang, meron na agad siyang opinion tungkol sa mga bagay-bagay? Konting pangyayari lang, napaka-tulis na agad ng dila niya?” simulang chika ng aming impormante.

Nega ang tingin ng mas nakararami sa female personality dahil sa kanyang pagpapakamalalim tungkol sa iba-ibang nagaganap sa ating bayan. Nagpapanggap siyang alam ang lahat, kahit hindi naman, kaya siya palaging naboboldyak.

“Matabil ang dila ng babaeng ‘yun! Parang hindi kumpleto ang maghapon niya kung wala siyang ninenega. May paninindigan daw kasi siya, wala siyang pakialam kung marami mang magalit sa kanya, basta paninindigan niya ang position niya.

“E, bakit nananahimik siya ngayon? Sawsaw na! Mahilig din naman siyang makisawsaw, ito na ang tamang pagkakataon, sawsaw na! Nakakaloka nga ang hamon sa kanya nga-yon ng mga netizens, pero deadma lang siya!

“Napaka-selective naman pala ng pagiging sawsawera ng babaeng ‘yun, e! Ang gusto nga ng isang galit na galit na netizen, e, putulan siya ng dila, kasi nga, piling-pili lang ang mga ninenega niya!

“Kinontra naman siya ng isa pang netizen, ang baba ng girl ang gustong putulin nu’ng isa, dahil may kahabaan daw kasi! Nakakaloka ang mga bumabanat sa kanya nga-yon, pero deadma lang ang lola n’yo!” natatawa pang pagtatapos ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, alam na this, wala na kayong upuan ngayon sa Row 4 na katabi ang mabahong basurahan.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending