Heart hindi pakakasalan si Sen. Chiz hangga’t walang basbas ng magulang; Takot sa ‘sumpa’
UMAASA si Heart Evangelista na darating din ang araw na pupuntahan siya ng kanyang mga magulang sa bagong bahay niya para magkaayus-ayos na sila. Miss na miss na raw kasi ng Kapuso actress ang mga ito, lalo na ang kanyang ama.
Sey ni Heart, gusto niyang makita nina Mr. and Mrs. Ongpauco ang resulta ng kanyang mga pagsisikap, ito ngang nabili niyang bahay na aniya’y produkto ng mga nagawa niyang TV projects at mga endorsements.
Kuwento ni Heart, nagsimula na siyang mamuhay ng independent, ‘yung walang nakikialam at walang nagdidikta. Ngayon ay siya mismo ang namamalengke ng mga kakainin niya, siya rin ang bumibili ng tangke ng gas at iba pang mga kailangan niya sa araw-araw.
“My very own (house), on the ground…not in a condominium, on the floor, I have my own garden, I have everything I ever wanted,” chika ng aktres sa isang TV interview. Talagang tinulungan daw siya ng kanyang boyfriend na si Sen. Chiz Escudero sa pag-aayos ng kanyang bagong bahay.
Pero tulad ng laging isinasagot ni Heart kapag natatanong kung very soon ay magpapakasal na sila ng senador, “Oo nga, marami ang nagtatanong kung ikakasal na nga ba si Heart… oh no, not yet. In this relationship, of course, siguro.
“I hope that it will get into that, but I’m not in a rush. Like what I’ve said, I have so much to do, naghahabol ako ng oras na magawa lahat ang mga gusto kong gawin dati pa,” tugon ni Heart.
Pero aminado nga ang Kapuso leading lady na more than anyone else, ang tatay niya na si Rey Ongpauco ang talagang nami-miss niya, “I miss my dad so much, I miss him. It’s almost his birthday and, you know, I’m sure in time, with prayers and everything, something will spark in his mind, you know, and I’m sure that he misses me too.
“So, I’m very confident with the love that I have for my dad and the love that he has for me, may, eventually, he will look for me, and he would not want to waste any more time of our lives to be apart,” sey pa ni Heart sa nasabing interview.
Kaya naisip namin, hangga’t hindi nakakasundo ni Heart ang kanyang mga magulang, wala ring magaganap na kasalan. Siyempre, gusto rin ng aktres na makuha ang basbas ng kanyang parents sakaling magpakasal na sila ni Chiz.
Samantala, sabay na magge-guest ang magkarelasyon sa cooking show ni Regine Velasquez sa GMA 7 na Sarap Diva na mapapanood na ngayong Sabado ng umaga.
Sa unang pagkakataon mapapanood silang magkasama sa isang programa kaya naman tuwang-tuwa ang Asia’s Songbird dahil pumayag sina Heart at Chiz na mag-bonding sila sa Sarap Diva.
Alamin ang kanilang mga cheesy moments na ngayon pa lang maririnig on TV. Kailan ang kanilang unang holding hands? Ang date with matching violins? Sino ang unang nag-I love you? Mga personal and never before heard stories.
At hindi lang ‘yan, makikiusyoso rin ang Songbird sa loob ng bahay ni Sentor kung saan ipagluluto niya si Regine ng kanyang special Paella. Hindi dapat palampasin ang nakakikilig na episode na ito kung saan wala nang itatago pa. All-out kuwentuhan, kainan at kantahan sa Sarap Diva ngayong Sabado sa GMA!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.