Abueva bagong 'bodyguard' ni Vice; buking uli sa YouTube video | Bandera

Abueva bagong ‘bodyguard’ ni Vice; buking uli sa YouTube video

- December 20, 2018 - 12:15 AM


MUKHANG may bahid nga ng katotohanan ang chika na pinagsabihan ng management si Vice Ganda na huwag munang masyadong ipangalandakan ang espesyal nilang relasyon ni Calvin Abueva.

Maraming televiewers ang nakapansin na nitong mga nagdaang araw ay hindi na nagsasalita ang Unkabogable Star tungkol sa sikat na PBA player, at hindi na rin siya tinutukso ng kanyang mga co-hosts sa It’s Showtime sa astig na cager.

May mga um-agree sa balitang ito pero meron ding nangnega. Ayon sa ilang netizens, baka raw kasi malasin ang Showtime at entry ni Vice sa 2018 MMFF na “Fantastica” dahil kay Abueva dahil hindi naman lahat ng Pinoy ay tanggap na ang gay relationship sa bansa.

Pero sey naman ng ilang followers ni Vice, walang masama kung ibandera ng TV host-comedian ang pagmamahalan nila ni Calvin dahil karapatan din nitong lumigaya. Wala silang nakikitang masama kung magdyowa na ang dalawa.

Samantala, umani naman ng sandamakmak na likes at positive comments ang latest YouTube vlog entry ni Vice kung saan mapapanood ang ilang eksena sa kanyang Boracay vacation kasama ang inang si Rosario Viceral at ilang kaibigan.

Sa huling bahagi ng video na may titulong “Tutoy With Nanay sa Bora”, makikita ang pagdating ni Abueva at ng ilang kasamahan nito. Pero bigla itong naputol nang ipakikilala na ni Vice ang kanyang rumored boyfriend sa kanyang nanay kaya naman nabitin ang kanyang mga subscribers sa YouTube.

Kahit na ilang beses nang dinenay nina Vice at Calvin na meron silang relasyon hindi naman sila pinaniniwalaan ng madlang pipol. May mga nambuking pa nga na si Calvin na ang nagsisilbing “bodyguard” ngayon ng komedyante sa ilang events na pinupuntahan nito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending