Kasal na lang ang kulang kina Matteo at Sarah; Mommy Divine kontra pa rin? | Bandera

Kasal na lang ang kulang kina Matteo at Sarah; Mommy Divine kontra pa rin?

- December 20, 2018 - 12:10 AM


KASAL na lang ang kulang kina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli. At yan ang pinakahihintay ngayon ng kanilang friends and supporters na umaasang silang dalawa na nga ang itinadhana forever.

May kumalat na chika na very soon ay may big announcement daw na gagawin sina Sarah at Matteo, at ang feeling ng mga Popsters, baka ito na nga ang pag-level up ng relasyon ng magdyowa.

Kamakailan ay nag-post ng mga litrato ang isang fan page ni Sarah kung saan makikita ang pakikipag-bonding ng dalaga sa pamilya ng kanyang boyfriend sa Cebu. Maraming netizens ang nagkomento na baka ito na ang sign na malapit na ngang magpakasal ang dalawang Kapamilya stars.

Kitang-kita sa mga photo ang kasiyahan ng singer-actress habang kasamang kumakain ang lola at mga kapatid ni Matteo na sina Paolo at Giorgia. In fairness, talagang naglalaan ang dalaga ng panahon para makapunta sa Cebu at madalaw doon ang pamilya ng boyfriend.

Bukod dito, isa pang litrato ang naka-post sa fan page ni Sarah kung saan makikita naman ang dalaga sa mismong bahay nina Matteo kasama pa rin ang family nito. Komento nga ng ilang Popsters, pinatutunayan lang ni Sarah ang kanyang pagmamahal sa binata dahil nag-e-effort talaga siya na bumiyahe pa-Cebu kahit busy siya.

Pero ang tanong ng kanilang mga supporters, kailan naman daw kaya nila makikita si Matteo na nakikipag-bonding naman sa mga parents ni Sarah. Dasal nila, sana ay matanggap na nina Mommy Divine nang buong-buo si Matteo para makumpleto na rin ang kaligayahan ng kanilang anak.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending