Angel medyo masyuba pa rin, kailangan pang magpapayat | Bandera

Angel medyo masyuba pa rin, kailangan pang magpapayat

Cristy Fermin - December 20, 2018 - 12:40 AM

ANGEL LOCSIN

PANAY-PANAY na ang pagpapasilip ng ABS-CBN sa trailer ng bago nilang ihahaing serye, ang The General’s Daughter, nagtatanungan na lang ang manonood kung aling serye ang papalitan nila.

Sa takbo ng kuwento ng dalawang serye nila, ang Ngayon At Kailanman at Halik, ay parang papunta na sa pagtatapos ang dalawang serye.

Nababaligtad na ang istorya, nagdurusa na ang mga nagmalabis, kaya alin kaya sa dalawang seryeng ito ang hahalinhan ng The General’s Daughter?

Paboloso ang dating ng bagong serye, may mahalagang role si Maricel Soriano sa kuwento, si Angel Locsin ang bumibida.

Kailangan pang magbawas ng timbang ng aktres, halatado sa ilang eksena sa trailer ang malaki pa rin niyang bulto, sa personal ay maaaring ayos na ang kanyang timbang pero malaki ang nadadagdag kapag humaharap na ang mga artista sa mga camera.

Sa kanyang ganda ay wala nang kuwestiyon kay Angel Locsin, isa siya sa nagmamay-ari ng pinakamagandang mukha, konting bawas na lang sa timbang ang kailangan pa niyang pagsikapan.

Kilalang-kilala ang Dos sa paggawa ng mga seryeng katutuk-tutok, siguradong iinit din ang suporta ng publiko sa The General’s Daughter, oras na lang ang hinihintay ngayon ng mga kababayan natin kung sa anong time slot ‘yun ilalagay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending