Vice Ganda bawal munang makipaglandian kay Abueva | Bandera

Vice Ganda bawal munang makipaglandian kay Abueva

Ambet Nabus |December 16,2018
facebook
share this

Vice Ganda bawal munang makipaglandian kay Abueva

Ambet Nabus - December 16, 2018 - 01:10 AM

VICE GANDA AT CALVIN ABUEVA

How true ang tsismis na diumano’y kinausap si Vice Ganda ng Star Cinema at iba pang kasosyong producer sa “Fantastica” na huwag munang gaanong dumikit sa “special friend” nitong si Calvin Abueva ng PBA team na Phoenix.

“Habang nasa kainitan lang naman ng promo ng MMFF entry,” ang sabi ng aming kausap na nagsabi pang “very wholesome” at “pampamilya” raw kasi ang promo slant ng pelikula.

Agad namang nag-react ang ilang friends natin sa LGBTQ community na kung sakali mang may katotohanan ang tsikang ito, hindi daw yata ganu’n kaganda ang anggulo ng isyu dahil parang diskriminasyon na itong matatawag.

“Ano namang masama kung masaya at inspired ngayon si Vice dahil kay Calvin?” tanong ng isang kausap namin.

“Makakaapekto ba sa box-office ng movie ang involvement ni Vice sa basketball player? Parang ang kitid naman ng utak mga besh, di ba?” hirit pa ng mga ito.

Well, if ever na true ang tsismis na ito, wala din naman kaming nakikitang pangit sa pakikipagrelasyon ng comedian-TV host kay Calvin.

At kung true na hindi ganu’n kapositibo ang reception ng market sa isyung ito kay Vice and his reported special friend, baka naman playing safe nga ang mga producer ng “Fantastica.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending