Ejay Falcon mai-in love kay Lorna sa ‘MMK’ | Bandera

Ejay Falcon mai-in love kay Lorna sa ‘MMK’

|December 15,2018
facebook
share this

Ejay Falcon mai-in love kay Lorna sa ‘MMK’

- December 15, 2018 - 12:35 AM

ISANG matinding pagsubok ang haharapin ni Nilo (Ejay Falcon) at Bonifacia (Lorna Tolentino) sa isang kuwento ng pagmamahalang hindi madaling tanggapin ng lipunan sa Maalaala Mo Kaya ngayong Sabado ng gabi, hosted by Charo Santos.

Sa murang edad na 10 taon, mamumulat na si Nilo sa tunay na pag-ibig dahil sa magandang pagpapalaki ng mga magulang. Sa sariling pamilya lamang iikot ang buhay nito hanggang sa makilala si Bonifacia, isang babaeng 32 taon ang tanda sa kanya.

Ang pagkagusto ni Nilo ay magiging pag-ibig sa kalaunan. At dahil nga sa pagitan ng edad, hindi ito madaling matatagap ng kani-kanilang pamilya. Ngunit magiging masugid si Nilo, gagawin ang kahat para lamang mapalapit sa iniirog.

Nang maging byuda si Bonifacia, tuluyan nang maglalakas loob ang binata na suyuin ang babaeng buong buhay niyang tinuring “princess.”

Dahil sa panunuyong ito, mapapalapit din ang loob ni Bonifacia sa binata at magkakarelasyon ang dalawa.

Ililihim ng dalawa ito sa mga pamilya at magpapakalayo. Mapapadpad sila sa Puerto Galera kung saan kahit walang nakakakilala, hinahamak pa rin ang kanilang pagsasama dahil sa diperensya sa edad na ikasasama ng loob ni Bonifacia.

Matatanggap pa kaya ng pamilya nina Nilo at Bonifacia ang kanilang pag-iibigan? Totoo nga bang walang kinikilalang edad ang tunay na pag-ibig?

Kasama rin sa MMK episode na ito sina Zaijian Jaranilla, Marco Masa, Allan Paule, Bing Davao, Kokoy de Santos, Faye Alhambra, Manuel Chua at Lovely Rivero. Ito’y sa direksyon ni Frasco Mortiz at sa panulat nina Joan Habana at Arah Jell Badayos.

Panoorin ang longest-running drama anthology sa Asya, ang MMK, tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending