Tigasing male celeb na allergic sa beki pinalambot ng karelasyong gay celeb | Bandera

Tigasing male celeb na allergic sa beki pinalambot ng karelasyong gay celeb

Cristy Fermin |December 13,2018
facebook
share this

Tigasing male celeb na allergic sa beki pinalambot ng karelasyong gay celeb

Cristy Fermin - December 13, 2018 - 12:15 AM


HANGGANG ngayon ay kuwestiyonable pa rin sa kanyang mga kaliga ang pagiging close ng kanilang kasamahan sa isang sikat na personalidad. Kakaiba raw kasi ‘yun, dati’y pumapalag siya sa ganu’ng klase ng relasyon, pero bakit ngayon ay okey na okey lang siya?

Brusko ang male personality, handang makipag-umbagan kahit kanino, pero ngayon ay lumambot ang kanyang imahe dahil sa kakaibang relasyon na pinasok niya.

Kuwento ng isang source, “Naku, mismo! Dati kasi, e, ni hindi man lang siya nakikipag-close sa mga becki, pero ngayon, puro becki na ang kasalamuha niya!

“Nu’n kasi, pumapalag ang lalaking ‘yun kapag may mga becking nakikipag-close sa kanya, hi and hello lang siya, pagkatapos ngayon, e, ganyan na siya?” buwena-manong chika ng aming impormante.

May isang Boogie Wonderland naman na nagkuwento na dati pala ay merong isang becking nagkaroon ng interes sa male personality. Sinabi nito sa lalaki ang kuwento, pero nagmura pa siya, never daw siyang makikipaglapit sa mga becki.

“Tetano para sa kanya nu’n ang mga becki, sa totoo lang, lalaking-lalaki talaga ang dating niya, pang-girls lang siya. Biniro pa nga niya nu’n ang isang Boogie Wonderland, oo raw, okey lang, pero kapag malapit na sa kanya ang becki, susuntukin niya!

“Kaya hindi siya kilala sa pakikipaglapit sa mga becki, mailap siya, pambabae lang ang male personality na ‘yun dati! Kaya ang dami-daming nawindang nu’ng parang umaamin na siyang may relasyon nga sila ng sikat na becki, e!

“Ano raw kaya ang kinain niya sa agahan nu’ng magkakilala sila ng becki, isang platong siling-labuyo kaya ganu’n siya kainit? Wala talagang maniniwala na gagawin niya ang ganyan!” sabi uli ng chikadora naming source.
Gaano katotoo na may matinding pinagdadaanang personal na problema ang male personality kaya kinailangan niyang makipaglapit sa sikat na becki?

“Alam ng mga kasamahan niya na naging magulo ang takbo ng personal life niya lately. As in, matindi ang problema niya. Kaya ang tanong ngayon ng mga nakakakilala sa kanya, ‘Mahal kaya niya ang becki dahil kailangan niya o kailangan niya ang beki, kaya mahal niya?’

“Pasok sa banga! Kailangan n’yo pa ba ng clue, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday?” pagtatapos ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending