MayWard, KathNiel, Lizquen, JaDine nagpasabog ng kilig, good vibes sa 'Family Is Love Christmas Special' | Bandera

MayWard, KathNiel, Lizquen, JaDine nagpasabog ng kilig, good vibes sa ‘Family Is Love Christmas Special’

Ervin Santiago |December 13,2018
facebook
share this

MayWard, KathNiel, Lizquen, JaDine nagpasabog ng kilig, good vibes sa ‘Family Is Love Christmas Special’

Ervin Santiago - December 13, 2018 - 12:05 AM

BONGGANG-BONGGA ang “Family Is Love: The ABS-CBN Christmas Special” na ginanap kamakalawa ng gabi sa Araneta Coliseum!

Literal na nagbabaan ang mga bituin para pasayahin at bigyan ng quality entertainment ang madlang pipol bilang Pamaskong handog ng Kapamilya Network ngayong taon.

Mula simula hanggang ending ng “Family Is Love” ay talagang puro pasabog. Lahat ng naglalakihang artista at talents ng ABS-CBN ay nakisaya at naki-party sa lahat ng mga sumugod sa Big Dome. Nagpasabog talaga ng good vibes ang lahat ng nag-perform on stage, lalo na ang mga pambatong loveteams ng network.

Grabe ang tilian, palakpakan at padyakan ng mga fans and supporters nina Maymay Entrata at Edward Barber nang umapir na sila sa stage para kantahin ang mga hit songs ni Megastar Sharon Cuneta. Mas lalo pang dumagundong ang Araneta nang halos mag-kiss na ang dalawa habang kumakanta.

Nakasa-ma rin nila sa nasabing production number ang iba pang Kapamilya loveteams kabilang na ang DonKiss (Donny Pangilinan at Kisses Delavin), LoiNie (Ronnie Alonte at Loisa Andalio), McLisse (Maccoy de Leon at Elisse Joson) at MarNigo (Maris Racal at Iñigo Pascual).

May kanya-kanyang pakilig din ang JoshLia (Joshua Garcia at Julia Barretto), LizQuen (Liza Soberano at Enrique Gil), JaDine (James Reid at Nadine Lustre) at siyempre ang tumanggap din ng pinakamalakas na palakpakan at sigawan that night ang Box-office King and Queen na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla (KathNiel).

Isa pa sa mga dapat abangan sa 2018 Kapamilya Christmas special ay ang pasabog na production number ng nag-iisang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez kasama sina Bamboo, Jed Madela, KZ Tandingan at ang international singing trio na TNT Boys.

Star na star talaga ng Paskong Kapamilya si Regine this year dahil nagmistulang mini concert ang kanilang segment. Nakipag-duet siya sa lahat ng kanyang co-performers sa nasabing prod number. At in fairness, kahit halos araw-araw na siyang birit nang birit sa sunud-sunod na shows ng ABS-CBN ay palaban at halimaw pa rin ang kanyang boses.

Samantala, siguradong mag-eenjoy ang mga Kapamilya viewers at magmamarka sa mundo ng telebisyon ang special segment ng Team Probinsyano sa pangunguna ni Coco Martin bilang si Cardo Dalisay.

Riot ang ginawa nilang production number with OPM hits kung saan naki-join talaga ang lahat ng members ng cast. Napasayaw at napakanta talaga nila ang action star na si Sen. Lito Lapid at ang award-winning drama actor na si Joel Torre.

Siyempre, magpapatalo ba si Cardo Dalisay na nag-ala Rico Puno sa kantang “Macho Gwapito” na super pinalakpakan din ng audience. Hindi rin siyempre nagpahuli ang mga girls ng Probinsyano kabilang na sina Ryza Cenon at Yassi Pressman.

Pero wait there’s more! May paandar din ang mga kontrabida sa buhay ni Cardo na sina Alakdan (Jhong Hilario) at President Lucas (Edu Manzano) with Eddie Garcia pa. Basta, siguradong ikagugulat at ikatutuwa ng mga fans ng FPJAP ang muling pagkukrus ng landas ng tatlo sa Big Dome, lalo na ang ipinagawa ni Doods sa cast ng Probinsyano at sa lahat ng nasa Araneta.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukod pa diyan ang superb duet ng Pop Royalty na si Sarah Geronimo at ng award-winning singer-composer na si Moira dela Torre. Plus the unkabogable number ng nag-iisang Phenomenal Box-Office Star na si Vice Ganda with Chokoleit and Juliana Segovia.

Napakarami pang dapat abangan sa “Family Is Love: The ABS-CBN Christmas Special” na mapapanood na ngayong Sabado at Linggo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending