Female celeb may ‘throwback scandal’ sa ospital | Bandera

Female celeb may ‘throwback scandal’ sa ospital

Cristy Fermin |December 12,2018
facebook
share this

Female celeb may ‘throwback scandal’ sa ospital

Cristy Fermin - December 12, 2018 - 12:15 AM


ANG kasaysayan talaga ay hindi nagsisinungaling. Walang maitatago. Walang makakalimutan, buhay na buhay ‘yun kahit pa ilang dekada na ang lumilipas.

May edad na ngayon ang mga nurses ng isang kilalang ospital na nakasaksi kung paano nagmistulang parang nakainom ng nakalalasong lambanog ang isang pamosong aktres nang isugod du’n.

Kuwento ng source, “Suka siya nang suka, masakit na masakit ang suka niya, parang hinuhugot sa ilalim ng bituka niya. Nag-overdose siya nu’n sa pills na ininom niya.

“Napakalayo ng itsura niya nu’n sa napakaganda niyang mukha. Napakalayo, dahil para siyang walang ka-glamor-glamor habang suka siya nang suka! Ganu’n pala ang itsura niya kapag maputlang-maputla ang mukha niya!” pag-alala ng aming chikadorang impormante.

Nagkaroon pala ng problema sa kanyang lovelife ang magandang aktres, nabuking ng matagal na niyang karelasyon ang pagsama niya sa isang resort sa isang sikat at guwapong aktor, magdamag silang nagsalo sa kaligayahan du’n.

“Nu’ng mahuli siya ng boyfriend niya, natural, hindi niya malaman kung ano ang gagawin niya, kaya sa takot, lumunok siya nang sangkatutak na pills, ‘yun ang dahilan kung bakit isinugod siya sa ospital.

“Natural, sikat na sikat ang girl, nakita siya ng mga nasa ospital nang walang kaayus-ayos at suka nang suka! Hindi pa uso nu’n ang mga cellphone na may camera, dahil kung meron na nu’n, siguradong laman siya ng social media!

“Naaalala pa kaya niya ang yugtong ‘yun ng buhay niya? Nagkahiwalay sila ng boyfriend niyang sportsman, marami pa siyang ibang nakarelasyon, hanggang sa maging ka-live-in na niya ang isang milyonaryong businessman.

“Kunsabagay, hanggang ngayon naman, e, sa mga ganu’ng issue pa rin siya bumibida, di ba? Nakikita siyang may kasamang iba na hindi naman ang karelasyon niya, bago pa ba naman ‘yun?

“Naku, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, parang gusto n’yo siyang hampasin ng bareta ng sabon?” pagtatapos ng nakairap naming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending