Bagong hairstyle ni Maine ginagaya ng fans; bentang-benta sa mga bagets

By Jun Nardo December 11,2018
share this

Bagong hairstyle ni Maine ginagaya ng fans; bentang-benta sa mga bagets

By Jun Nardo December 11,2018
share this


BENTANG-BENTA sa netizens at fans ni Maine Mendoza ang bago niyang hairstyle.

Siyempre, todo pasasalamat ang Dubsmash Queen sa celebrity stylist na si Celeste Tuviera. In fact, marami na ang gumaya sa hairstyle niya ngayon.

Kung abala si Meng sa showbiz career, ang AlDub Nation naman ay busy ngayon sa pagpapasaya ng mga kapuspalad nating mga kababayan ngayong Pasko. Kamakailan lang ay naghandog sila ng mga regalo sa House of Hope.

Nagsilbi namang inspirasyon sa kanila ang mensahe ng Phenomenal Star.

“Sa lahat ng nandiyan ngayon sa House of Hope Christmas party, mga batang nandiyan ngayon. Itong Christmas party ay para sa inyo at maraming salamat sa nag-organize dahil nakakatulong kayo at nakakapag-inspire ng kabataan,” video message ni Maine.

q q q

Short-lived lang ang career ng baguhang si Lharby Policarpio bilang Kapuso artist.

“Hindi na po. Papunta na po doon sa kabila! Ha! Ha! Ha!” bulalas ni Lharby nang makausap ng press sa launching ng all-star “San May Forever Album” mula sa music label na LST Music & Productions.

Huling napanood sa romcom na The One That Got Away ang binata.

“Mutual naman ang agreement ng both parties (sa pag-alis ko). Siguro para rin makapag-explore rin ako at hindi ako matali sa kanila na at the end of the day, sisisihin ko sila kung walang nangyari or something. Parang ganoon,” rason ng newbie actor.

Two years siyang naging Kapuso artist. Paglilinaw niya, “Wala akong tampo sa GMA!”

Si Lharby ang kumanta ng “Kung Malayo Ka.” Ilan sa kasama niyang artists sa album ay sina Arnold Reyes, Laarni Lozada, Brenan Espartinez at available na ito album sa lahat ng digital platforms gaya ng iTunes, Google Play at Amazon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending