Jessica Soho binisita ang huling bahay ni Mama Mary sa Turkey
NGAYONG Linggo ng gabi, samahan si Jessica Soho at ang team ng Kapuso Mo, Jessica Soho sa pagtuklas ng hiwaga sa bansang binansagang “The Land of Fire and Ice”—ang Iceland.
Sasamantalahin ni Jessica ang pagkakataon na ipatikim sa mga Icelander ang ating Pinoy Halo-Halo.
Matiyempuhan kaya ng KMJS team ang napakailap na Aurora Borealis o Northern Lights? Sasakay rin sila ng snowmobile at Icelandic horses; magbabad sa sikat na sikat nilang Blue Lagoon; at tutunghayan ang nangangalit nilang geysir.
Kilalanin din ang mga kababayan nating lumilikha ng pangalan sa Iceland—si Gemma na may Pinoy adobo sa kanyang restaurant; at si Evelyn ang dating tindera sa bakery sa Cebu na nagmamay-ari na ngayon ng daan-daang rental cars sa Iceland.
Sunod na lumipad ang KMJS team sa Turkey para puntahan ang siyudad ng Cappadocia na kilala sa kanilang rock formations. Dito, first time sasakay ni Jessica sa hot air balloon.
Sa Turkey, makikita rin ang ilang ancient city ng mga Romano, tulad ng Ephesus, maging ang pinaniniwalaang huling tirahan ni Mama Mary.
Siyempre, mawawala ba naman ang food trip? At tatapusin ng KMJS ang kanilang Turkey trip sa pamamagitan ng paglulublob sa White Terraces ng Pamukkale. Abangan ang early Christmas treat na ito sa “Lumipad Ang Aming Team Kapuso Mo, Jessica Soho Special”, tonight after Studio 7 sa GMA 7.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.