KC pinigilan ni Mega na bumili ng branded bags, pinilit mag-invest sa beach property

By Bandera December 07,2018
share this

KC pinigilan ni Mega na bumili ng branded bags, pinilit mag-invest sa beach property

By Bandera December 07,2018
share this

SHARON CUNETA AT KC CONCEPCION

SA halip na bumili ng isang branded bag na nagkakahalaga ng milyones, mas pinili ni KC Concepcion ang mag-invest sa bonggang property sa isang beach resort.

Ayon kay KC, buti na lang at pinigilan siya ng kanyang mga magulang at grandparents na maging wais sa paggastos sa kanyang kinikita mula sa kanyang pagtatrabaho.

Kasabay nito, nilinaw ng singer-actress-TV host na hindi lahat ng meron siya ngayon ay mula sa kanyang parents, ang iba rito ay mula sa kanyang pag-aartista at iba pang business ventures.

Nagpasalamat din si KC sa kanyang inang si Sharon Cuneta at sa kanyang lolang si Elaine Cuneta sa paggabay sa kanya pagdating sa pera sa murang edad.

Sa kanyang Instagram account, nag-post si KC ng isang beach photo na kuha mula sa isang mataas na bahagi ng bundok kung saan pinaniniwalaang nakatayo ang kanyang property.

Nilagyan niya ito ng caption na, “Dear Mom and Grandparents, thank you for teaching me to ‘save and invest’ at such a young age. Like every working millennial or woman in their 30s, I am continuing to learn how to take care of, grow, and move around personal finances.”

Balak sanang bumili ni KC ng isang Hermes bag, na nagkakahalaga ng milyun-milyong piso. Ngunit pinayuhan siya nina Mega na sa halip na bag ay bumili na lang muna siya ng property.

“Yes, pressure and standards were high but I am glad they were! Although, deep inside as a girl, of course, I wanted to bag. I learned about ‘delayed gratification’ in order to afford the beach,” sabi pa ni KC.

Nagbigay din ng advice ang dalaga sa lahat ng kaedad niya na huwag tumigil sa pagtupad sa kanilang ma pangarap, “What’s your dream? Keep busy and work smart, so you, too, can make your dreams come true. On your own terms. And quietly, without stepping on anyone’s toes. Dream big! Be kind! You can achieve it!”

Maswerte talaga ang mapapangasawa si KC dahil bukod sa matalino at masipag na ang dalaga ay napakaresponsableng tao pa nito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending