Tahimik na buhay ni aktor nawindang dahil kay female celeb

By Cristy Fermin December 07,2018
share this

Tahimik na buhay ni aktor nawindang dahil kay female celeb

By Cristy Fermin December 07,2018
share this

PINAHIHIGOP ng apdo ngayon ng mga bashers niya ang isang guwapong aktor. Puwede siya sa drama, magaling din siya sa maaaksiyong eksena, puwede rin siya sa mga pa-sweet na papel.

Tahimik dati ang personal na buhay ng aktor, walang alingasngas ang kanyang lovelife, hanggang sa maghiwalay na sila ng kanyang girlfriend at nasangkot ang pangalan niya sa isang pamosong female personality.

Hindi niya naman pinlanong makisakay sa popularidad ng girl, pero may pelikula kasi sila ngayon, kaya kailangan nilang maging close sa isa’t isa para sila pag-usapan.

Dahil du’n ay maraming umuupak ngayon sa guwapong aktor, isa raw siyang user, ipinaglihi raw siya sa manggang hinog dahil gamit na gamit niya ang pamosong female personality.

Kinontra ‘yun ng isang source, ang kanyang sabi, “Kahit kailan, walang ginamit na kahit sino si ____ (pangalan ng guwapong male personality) para lang siya pag-usapan.

“Hindi siya user, malayo sa personality niya ang pagiging manggagamit dahil kahit ang mismong kadugo niya, e, hindi niya ginamit para lang siya makilala kahit puwede niya namang gawin ‘yun!

“Talent ang puhunan niya kaya siya nakilala, magaling siyang umarte, puwede siyang bida-kontrabida, carry niya ang kahit anong role na ibinibigay sa kanya.

“Nagkakamali ng paghusga sa kanya ang mga bashers, never siyang naging user! Hindi niya ginagamit ang girl na kasama niya sa movie, magkaibigan lang sila!

“Kunsabagay, meron na ba namang naging ka-close ang babaeng ‘yun na hindi tinatawag na user ng mga kagrupo niya? As if naman kapag na-link ang name ng kahit sinong male personality sa kanya, e, ‘yun na ‘yun!

“Sisikat na siya agad, kasi nga, sikat kuno ang girl. No way, highway! Kahit kailan, e, hindi inisip ‘yun ng male personality.

“Hindi na niya kailangan ang kahit sino para lang siya mapag-usapan. Kilala na siya, hindi na niya kailangan ang presensiya ng babaeng ‘yun, sa totoo lang!

“Atay naman kasi ng bitter ang mga taong kung magprotekta sa girl, e, wagas na wagas! Atay ng selosa ang mga ‘yun!” nakairap na pagtatapos ng aming source.

Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, paborito n’yo rin ang atay, di ba? E, di wala na kayong upuan ngayon sa Row 4 na katabi ang mabahong basurahan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending