Maine, Alden parehong swerte sa negosyo; may bagong branch ng food chain, resto

By Jun Nardo December 06,2018
share this

Maine, Alden parehong swerte sa negosyo; may bagong branch ng food chain, resto

By Jun Nardo December 06,2018
share this

ALDEN RICHARDS AT MAINE MENDOZA

MAAGANG sumugod ang fans ni Maine Mendoza kahapon, Dec. 5, sa opening ng bagong branch ng food chain na kanyang pag-aari at ineendorso. Located ito sa Km. 38, Pulong Buhangin, Santa Maria Bulacan.

Siyempre, another milestone ito sa pagiging negosyante ni Meng. Nakakapagbigay na siya ng trabaho, nakakadagdag pa siya ng income sa lokalidad ng Santa Maria, Bulacan, huh!

With the guide of her parents, natuto ang Phenomenal Star na mag-invest sa iba’t ibang business kaya nakikita niya kung saan napupunta ang kanyang kinikita sa showbiz.

Isa sa atraksyon ng sarili niyang food chain ay ang fries at sundae station nito na siguradong ikatutuwa ng mga bata.

Samantala, business minded din si Alden Richards gaya ni Maine dahil in full swing na rin ang construction ng third branch ng resto ng Pambansang Bae na matatagpuan sa Silang, Cavite.

Napakaswerte ng pamilya nina Alden at Maine dahil meron silang anak na inaalagaang mabuti ang pinaghihirapang pera na galing sa showbiz.

Ang bongga pa sa kanila, bukod sa pagtulong sa pamilya, marunong din silang tumulong sa mga nangangailagan kaya naman patuloy silang bine-bless sa personal na buhay at sa career.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending