Hamon sa basher ni Sharon: Magpitikan kaya kayo ng ilong!

By Cristy Fermin December 06,2018
share this

Hamon sa basher ni Sharon: Magpitikan kaya kayo ng ilong!

By Cristy Fermin December 06,2018
share this


GANDANG-GANDA  kami sa napakasuwabeng gapang ng ilong ni Sharon Cuneta. Hindi ‘yun mababa at hindi rin naman katulisan. Batambata pa ang Megastar ay ‘yun na ang palagi naming nasusulat-pinapansin.

Isa kami sa mga manunulat na nakakita ng pruweba na walang anumang pinagdaanang milagro ng heringgilya ang ilong ni Sharon. Kapapasok pa lang niya sa showbiz ay ‘yun na ang itsura ng kanyang ilong.

Kung meron mang orihinal pang ilong ng mga artista ngayon ay isa na ang kay Mega sa iilang ilong na ‘yun. Walang injection, natural na natural, hindi ipinaretoke.

Madali namang malaman kung ipinaopera ang ilong para tumangos. Hindi natural ang hugis, may kakaibang dating, kitang-kita agad sa butas pa lang kung minadyik ‘yun ng doktor.

Tulad ng isang young singer-actress na halos hindi na makahinga dahil sa napakaliit na butas ng kanyang ilong. Kapag may sipon ang female personality ay hirap na hirap siyang isinga ang dumi sa kanyang ilong dahil sa sobrang liit ng butas nu’n.

Kayang humatsing nang ubod nang lakas ni Sharon Cuneta dahil wala siyang inaalalang hugis na baka masira sa operasyon.

Nakakaloka ang basher na nagpupumilit na nagpagawa ng ilong si Sharon Cuneta. Magpitikan kaya sila ng ilong? Magpindutan kaya sila?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending