Jericho tinaman ng dengue; nag-presscon kahit may sakit

By Reggee Bonoan December 06,2018
share this

Jericho tinaman ng dengue; nag-presscon kahit may sakit

By Reggee Bonoan December 06,2018
share this

JERICHO ROSALES

NAGPAPAHINGA ngayon sa bahay si Jericho Rosales dahil balitang tinamaan siya ng dengue.

Kuwento ng aming source, pagkatapos ng grand presscon ng MMFF 2018 entry niyang “The Girl In The Orange Dress” nitong Martes ay itinakbo si Echo sa hospital dahil masama na pala ang kanyang pakiramdam at nang suriin nga ay nag-positive siya sa dengue.

“Saturday pa siya may sakit, tiniis lang niya nu’ng mall show at pumunta pa ng presscon, pero hindi na rin niya kinaya kinagabihan kaya nagpadala na sa hospital,” kuwento sa amin.

Ngayong araw ay muling sasailalim sa CBC (complete blood count) ang aktor para malaman kung tumaas na ang platelets niya para hindi na siya i-confine.

Sabi namin, hindi halatang may sakit si Echo sa presscon dahil nagawa pa rin nitong makipagkulitan sa members ng media at sa mga co-stars niya sa pelikula. Game na game rin kasi siyang sumagot sa mga tanong ng press. Iyon pala tinitiis lang niya ang sakit na nararamdaman.

Agarang paggaling ang panalangin namin sa ‘yo Echo para makasama ka pa rin ni Jessy Mendiola sa promo ng “The Girl In The Orange Dress” mula sa Quantum Films, Star Cinema at MJM Productions.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending