Vice hiyang-hiya kay Jose Mari Chan: Gusto kong lumubog sa lupa at mamatay na lang!

December 06,2018
share this

Vice hiyang-hiya kay Jose Mari Chan: Gusto kong lumubog sa lupa at mamatay na lang!

December 06,2018
share this


MATINDI at malalim pala ang “hugot” ni Vice Ganda sa OPM icon na si Jose Mari Chan.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakalimutan ng Unkabogable Star ang kahihiyang inabot niya sa unang pagkikita nila ng veteran singer-composer.

Kuwento ni Vice sa nakaraang episode ng It’s Showtime, nangyari ang isa sa mga most embarassing moment ng TV host-comedian sa kasal nina Karylle and Yael Yuzon noong 2014.

Ayon kay Vice, hindi pa niya nami-meet personally si Jose Mari Chan hanggang sa mangyari nga ang nakakalokang pangyayari na until now ay dala-dala pa rin niya sa kanyang dibdib.

“Eh, ‘di inaantay ‘yung mga pagkain, eh nasi-CR ako. Sabi ko sa kasama kong bakla, ‘Bakla, samahan mo ‘ko, CR tayo,” chika ng lead star ng 2018 MMFF entry na “Fantastica” under Star Cinema and VIVA Films.

“Paglabas ko du’n sa cubicle, ‘Bakla, ang tagal mo,’ sabi ko du’n sa kaibigan ko, kasi mag-isa na lang ako. ‘Ang tagal mo, tapos na ako, ikaw pa inaantay ko ngayon.’ Tapos ‘di sumasagot,” aniya pa. At wala ngang sumasagot, kinalampag niya ang pinto at kumuha ng tabong may tubig saka binasa ang paanan ng taong nasa loob ng cubicle.

“Tapos, nag-ayos ako ng buhok. Sabi ko, ‘Bakla ka, ako pa talaga pinag-antay mo.’ ‘Paglabas sa cubicle si Jose Mari Chan!

“Gusto kong lumubog sa lupa at mamatay na lang. Siyempre, respetado ‘yon. Kaya talaga, tuwing Pasko, ako ang unang nagpapatugtog ng mga kanta niya, bilang pagbibigay-galang,” natatawa pang chika ni Vice Ganda.

Samantala, nangako naman ang Phenomenal Box-office superstar sa madlang pipol na isang kakaibang comedy film naman ang hatid nila sa “Fantastica” ngayong Pasko.

“I wanna tell you right now, everyone will have a great time watching ‘Fantastica.’ Isinusumpa ko, nakakatawa ang pelikula namin.

“Nakakatawa hindi lang ito raket, patatawanin namin kayo, at hindi po ako natatakot na may lalabas ng sinehan na hindi natawa sa pelikula namin, tatawa po kayo. Mayroon at mayroong eksena sa pelikula na tatawa kayong lahat, hindi po namin kayo sinisindikato, masayang pelikula po ang panonoorin ninyo sa Pasko,” promise ni Vice.

Showing na sa Dec. 25 ang “Fantastica” bilang bahagi ng 2018 MMFF sa direksyon ni Barry Gonzalez.

Kasama rin dito sina Richard Gutierrez, Dingdong Dantes, Maymay Entrata at Edward Barber, Loisa Andalio at Ronnie Alonte, Kisses Delavin at Donny Pangilinan, Bela Padilla, Ryan Bang at ang premyadong aktres na si Jaclyn Jose.

Siyemre, ka-join din sa movie sina MC Calaquian, Lassy Marquez, Chokoleit, Juliana Parizcova Segovia, Joven Olvido at Hap Rice.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending