Vice Ganda winasak ang 'sumpa' sa mga beki; Calvin Abueva pinatunayan ang pagkalalaki | Bandera

Vice Ganda winasak ang ‘sumpa’ sa mga beki; Calvin Abueva pinatunayan ang pagkalalaki

Ronnie Carrasco III - December 06, 2018 - 12:35 AM

VICE GANDA AT CALVIN ABUEVA

BELIEVING that there are actually no coincidences in life is probably a mantra to live by.

Wala naman kasi talagang pangyayari sa buhay natin ang nagkataon. Philosophically as it may sound, kahit pagkikita nina Vice Ganda at Calvin Abueva sa Boracay wasn’t a mere coincidence.

How could it be samantalang may constant communication sila? Paanong nangyaring ang dalawang kaluluwang nauugnay sa isa’t isa ay bigla na lang magkakagulatan when they’ve been going out and seen in public places throwing the proverbial cautions to the wind?

Ang “eklay” ni Vice, nasa isla siya para ipasyal ang kanyang ina at the same time para makapagpahinga.
Samantala, naroon daw si Calvin para dalawin ang kanyang kapatid.

Sa liit lang daw ng Boracay island, imposibleng hindi sila magkakitaan. Pero imposibleng hindi sila nagtanungan kung saan ang kanilang itinerary, ‘di ba?

For sure, they took separate flights (para nga naman disimulado), pero ano naman ang masama if they boarded the same plane? Kaya ano rin ang masama if Vice and Calvin had intended to hie off to the island together?

Fanhood is getting the better of us. Para sa amin, higit pa sa pagtanggap ng publiko kung totoo mang there’s something going for them. Nakakakilig nga, ‘di ba?

After all, si Vice Ganda na rin ang nagsabing namumukod-tangi si Calvin for all the men he has ever been close to. Hindi kasi ikinahihiya ni Calvin even if seen in VG’s company. At bakit naman kailangang may “diri factor” ang sinumang boylet na madikit kahit siko lang kay Vice?

All the more na isang karangalan at pribilehiyo ‘yon sa parte ng sinumang guy, Calvin included. The entire gay community, in fact, has a lot to thank Vice Ganda for.

Binasag, binaklas at winasak ng gay TV host-comedian ang stigma na matagal nang nakakapit sa mga bayot huwag lang madikit sa boylet, and vice versa. Ditto with Calvin who embodies what a real man should be, is secure about his sexuality and shuns homophobia.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

To Vice Ganda and Calvin, go and fly na lang (alangan namang multiply?!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending