Angeline tinatakasan ang nanay noon para sumali ng singing contest

December 05,2018
share this

Angeline tinatakasan ang nanay noon para sumali ng singing contest

December 05,2018
share this


TINATAKASAN pala noon ni Angeline Quinto ang kanyang nanay para lang makasali sa mga amateur singing contest sa kanilang lugar.

Bata pa lang daw si Angeline ay mahilig na siyang mag-join sa mga singing contest, ayon sa interview sa kanya ng Rated K last Sunday.

Sampung taong gulang daw siya ay mahilig na talaga siyang kumanta pero ayaw daw ng kanyang Mama Bab na sumasali siya sa mga singing contests pero sa kabila nito, hindi pa rin siya napigilan ng ina sa pagsali-sali sa mga singing contests lalo na kapag may fiesta.

“Every time na may maririnig akong mga fiesta lalo kung malapit sa lugar sa amin, sali ako. Talagang ito siguro ang passion ko,” pahayag ni Angeline na unang kumanta on national TV sa pamamagitan ng reality singing search na Star For A Night hosted by Regine Velasquez. Si Sarah Geronimo ang naging grand champion sa nasabing contest.

Noong 2010 naman ay sumali siya sa Star Power ng ABS-CBN kung saan siya nga ang tinanghal na grand winner. Dito kinanta niya ang kanyang winning piece na “Patuloy Ang Pangarap.”

Pagkatapos nito, nagtuluy-tuloy na ang kanyang singing career hanggang sa pasukin na rin niya ang pag-arte. Dahil sa kanyang pagpupursige, bukod sa magandang buhay ay nabigyan din niya ng sariling bahay ang kanyang Mama Bab.

“Kahit nu’ng bata ako ang hilig ko nang mag-isip, yung nag-i-imagine ka lang, paano kaya kung yung bahay namin mataas? Paano kaya kung yung bahay namin may mga aircon ang mga kwarto?” kuwento ni Angeline.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending