Khalil Ramos tanggap ng pamilya ni Gabbi Garcia

By Jun Nardo December 05,2018
share this

Khalil Ramos tanggap ng pamilya ni Gabbi Garcia

By Jun Nardo December 05,2018
share this


BELONG na belong na ang Kapamilya actor na si Khalil Ramos sa pamilya ng “special friend” niyang Kapuso artist na si Gabbi Garcia.

Aba, sa nakaraang 20th birthday celebration ni Gabbi, kasama sa isang lunch si Khalil na ginanap sa isang hotel na ipinost mismo ng Millenial It Girl at Global Endorser sa kanyang Instagram.

Present din sa okasyong ‘yon ang ilang members ng pamilya ni Gabbi.

Nakatanggap din siya ng birthday message mula sa inang si Tess Lopez at kuyang si Alex na proud na proud sa isa sa bida ng Kapuso series na Pamilya Roces.

At least, after Ruru Madrid na balitang nakikipagmabutihan na kay Bianca Umali, may Khalil naman si Gabbi na nagpapasaya ngayon sa kanya, huh!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending