Members ng kilalang grupo tamad na, ang aangas pa; yumabang sa 1 sikat na kanta | Bandera

Members ng kilalang grupo tamad na, ang aangas pa; yumabang sa 1 sikat na kanta

Cristy Fermin |December 04,2018
facebook
share this

Members ng kilalang grupo tamad na, ang aangas pa; yumabang sa 1 sikat na kanta

Cristy Fermin - December 04, 2018 - 12:15 AM


MARAMING nagtatanungan kung saang kangkungan pupulutin ang isang grupong nagkaroon lang ng isang sikat na piyesa ay umariba na agad-agad ang kaangasan.

Akala siguro ng mga miyembro ng tropang ‘yun ay habambuhay na silang magiging popular.
Marami naman palang dahilan para isuko na ng isang sikat na female personality ang paggabay sa kanilang career.

Hindi kailanman umasa ang babaeng personalidad na kumuha ng komisyon mula sa kanila, tulong lang ang nasa utak ng female personality, pero napagod din ito agad.

Kuwento ng aming source, “Sobrang angas naman kasi ng mga ‘yun, ni wala pa nga silang napapatunayan pero akala mo na kung sino sila kung makaasta? Enough na ba ang isang kanta para magmayabang na sila?

“Walang tatagal na mag-alaga sa kanila dahil ang bawat member ng grupo, e, nakikipagkumpetensiya mismo sa kagrupo nila.

“Hindi sila grupo kung magtrabaho, may kani-kanyang ilusyon silang makaangat sa kasamahan nila, kaya inis na inis ang female personality na humawak sa kanilang career,” buwena-manong chika ng aming impormante.

May katamaran pala ang mga miyembro ng grupo, mabibigat ang katawan, meron din silang ginagawang hindi alam ng manager nila.

“Rehearsal na para naman sa kanila, e, kinatatamaran pa nila! Mabibigat ang katawan nila! Tama bang katamaran ang rehearsal, e, ‘yun ang mas magpapaganda pa sa performance nila!

“Nakakaloka, para na nga sa kanila ang dapat nilang gawin, ganu’n pa silang nagtatamad-tamaran? Palagi silang late, parang hindi nagsikain, ano ba namang klase ang grupong ‘yun?

“At may natuklasan ang mga nagbabantay sa kanilang mga kilos, merong mga members ang grupo na tumatanggap ng raket nang solohan lang! Hindi kasama ang kanilang kagrupo, solo-solo lang, tama ba ‘yun, e, grupo nga silang nakilala?

“Hay, naku, walang mangyayari sa grupong ‘yun na hindi pa man, e, maaangas at ilusyunado nang sikat na sikat! Saang kangkungan kaya sila pupulutin, lalo na ngayong hindi na sila pinag-uusapan?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Nakow, hindi pa man sila nagtatagal, e, ex na kaagad sila! Wala pa nga silang napapatunayan, e, waley na sila! Haaaay, kalimutan n’yo na ‘yan, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday!” pagtatapos ng napapailing naming source.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending