DAPAT umanong gawing prayoridad ng Philippine National Police ang paghahanap sa taong nagturo kay Kian delos Santos kaya hinuli ito ng mga pulis na nagresulta sa pagpatay sa kanya sa Caloocan City.
Ayon kay 1-Edukasyon Rep. Salvador Belaro Jr., bagamat nahatulan ng guilty ang tatlong pulis na napatunayang pumatay kay delos Santos, hindi pa rin natutuldukan ang kaso.
Ang tinutukoy ni Belaro ay si Renato “Nonong” Loveras, na ayon sa imbestigasyon ay nagturo kay delos Santos na isang drug courier.
“As a resident of Caloocan City, a parent, and educator, I feel the partial relief the conviction verdict gives the parents, relatives, friends, classmates, and teachers of Kian delos Santos. The verdict against the three Caloocan cops is also partial vindication for Kian’s family,” ani Belaro. “”The PNP must prioritize the search for and arrest of Loveras.”
Sinabi ng solon na dapat ding magkaroon ng pagbabago sa paraan ng imbestigasyon ng mga pulis lalo at nakita sa kaso na maaaring manipulahin ng mga pulis ang mga ebidensya.
“The Kian delos Santos case illustrates that scalawag cops can tamper with the scene of the crime, evidence collection, and custody of evidence. Of course the gathered evidence would be inconclusive and that’s because these murderers know how to destroy and fabricate evidence,” saad ng solon. “I am curious about why the judge said the prosecution was unable to support that case and convince the judge.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.