PANANDALIAN lamang ang paghawak ni Merlito Sabillo sa kanyang World Boxing Organization minimumweight title.
Ito ang babala ni Colombian challenger Jorle Estrada nang dumalo siya sa PSA Forum kahapon sa Shakey’s Malate.
Maghaharap sina Sabillo at Estrada sa Sabado sa Solaire Resorts and Casino Ballroom bilang main event ng Pinoy Pride XXI.
“The fight will end in seven rounds,” wika ng 24-anyos na si Estrada na kasama kahapon ang mga Mexican fighters na sina Arturo Badillo at Abraham Gomez na mapapalaban sa mga supporting bouts.
Dumating si Estrada noong Lunes at ipinagmalaki niya ang tatlong buwang paghahanda para talunin si Sabillo na hindi pa natatalo sa 22 laban.
Itataya ni Sabillo sa unang pagkakataon ang hawak na titulo na inagaw sa kababayan ni Estrada na si Luis dela Rosa noong Marso.
“I’m happy to be here and this is my first time in the Philippines. I’m happy for the opportunity given to me and I came here to win,” dagdag ni Estrada sa pamamagitan ng interpreter.
Tiwala din sina Badillo at Gomez sa papasuking laban kontra kina Arthur Villanueva at AJ Banal. Ang tagisan nina Badillo at Villanueva ay para sa bakanteng WBO Asia-Pacific super flyweight championship at hindi malayong mauwi sa knockout ang labanan dahil parehong may ipinagmamalaking mabibigat na kamao ang dalawang boksi-ngero.
May 21 panalo si Badillo at 19 dito ay natulog sa laban habang si Villanueva ay hindi pa natatalo sa 22 laban at may 12 KOs.
“I came prepared to fight for12 rounds. But if a knockout comes, it will come,” ani Badillo. Wa-la namang nakataya sa 10-round bout nina Gomez at ng nagbabalik na si Banal.
“I know his reputation but I came prepared for this fight,” banggit ni Gomez. Magtatapat sin sa undercard sina Albert Pagara at Khunkhiri Wor Wisaruth ng Thailand na inilagay sa walong rounds.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.