'Nakakatawa ang pag-iinarte ni Kris Bernal sa paggawa ng love scenes!' | Bandera

‘Nakakatawa ang pag-iinarte ni Kris Bernal sa paggawa ng love scenes!’

Ronnie Carrasco III - December 01, 2018 - 12:35 AM


IN HER single-titled coming-of-age film, bilang bida who thinks she calls the shots more than her director ay tumanggi si Kris Bernal na gawin ang mga sumusunod: pumping scenes, breast exposure at moaning during the sexual act.

We could pass this off as Kris’ right anyway. Eh, sa ayaw niya, eh ‘di huwag. Maghanap na lang daw ang produksiyon ng kapalit niya, but she’d never agree to doing what she believes are objectionable scenes.

Pero ang mas ikinapanaw ng aming sanidad ay ang sagot ng petite actress sa tanong kung nahirapan daw ba siyang i-execute ang mga love scenes nila ng leading man niyang si Jake Cuenca.

Aniya, mahirap daw lalo na kung hindi naman niya mahal ang taong kaniig niya. Teka, pang-ilan na nga bang kolum namin dito sa BANDERA since we started in July 2016 sa tatlong beses kada linggo? Three hundred seventy column exposures na. Yes, 370 rin ang tawa namin sa tinuran ni Kris.

Apparently, Kris must have forgotten her very purpose kung bakit sumali siya sa nasabing artista search ng GMA many years ago: ang mag-artista, obviously.

Essaying a role that requires having to make love to her screen partner ay hindi dapat totohanin o tinototoo unless, of course, in real life ay magdyowa sila. If that’s the case, itodo na nila ang lovemaking.

Somebody has to remind Kris na malaki ang kaibahan ng totohanin ang ganu’ng eksena at gawing makatotohanan ‘yon. Real and realistic are apples and oranges. Saka si Kris na rin ang nagsabi na alumna o graduate na siya sa teenybopper image. Ganu’n naman pala then she must be ready for mature roles.

Kung kami sa director ng pelikulang ‘yon, we would have taken Kris’ challenge na palitan na lang siya.

Kung ganu’n lang din kasi ang mindset ng isang artista, aba, naglipana ang mas magagaling kesa kay Kris Bernal whose hangups might just bring her career down.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending