Bagets na mula sa showbiz family biktima ng 2 nag-aaway na lola
HINDI lang lumalabas ang mga kuwento sa publiko pero hanggang ngayon pala ay nagkakairingan pa rin ang dalawang pamilyang nag-aagawan sa pag-aalaga sa isang bagets.
Parang bola ng basketball ang batang babae na pinagpapasa-pasahan sa magkabilang pamilya, naguguluhan na rin siguro ang bagets, kaya lang ay hindi pa makapagreklamo sa kanyang sitwasyon.
Nakakatawa ang chika na kapag nasa poder ng kanyang ama ang bagets ay alahada ito. Sinusuuutan ng mga alahas ng kanyang lola ang bata.
Chika ng aming source, “Siyempre, yayamanin ang lola niya, kaya punumpuno ng jewelry ang bagets kapag nasa pamilya ng daddy niya. Picture, picture, ipino-post pa nila ang mga retrato ng bagets habang parang Christmas tree na maraming sabit sa katawan.
“Ang ikinabubuwisit ng isa pang lola ng bagets, kapag isinosoli na ng pamilya ng daddy niya ang bata, wala na ang kanyang mga alahas!
“Hinuhubad ng family ng daddy niya ang mga alahas, puwede lang niyang gamitin ‘yun kapag nandu’n siya sa bahay ng father niya, kaya inis na inis ang lola niya sa ina!
“Parang iniinsulto raw kasi siya, parang pinagdududahan pa siya na kapag ibinalik sa kanila ang bagets na alahada, e, baka kunin nila ang mga alahas!” tawa nang tawang kuwento ng aming source.
Sa inis ng kanyang lola sa ina ay tumawag siya sa isang alahera, ipinagagawa niya ng mga alahas ang kanyang apo, saka ipinasuot nu’ng kunin na ng ama ang bagets.
“Parang sinampal lang niya nang malayuan ang balaeng hilaw niya. Ipinasuot talaga niya ang mga inorder niyang alahas nu’ng kunin na ng father niya ang apo niya.
“Say kuno ng lola, ‘Ano ang akala nila sa amin, pag-iinteresan namin ang mga alahas ng apo ko, kaya ipinahuhubad nila kapag babalik na sa amin?’
“Hanggang ngayon, e, marami pa rin silang issue tungkol sa bagets. Nagpapaligsahan sila, pero ang bata naman ang nahihirapan. Wala pang kamuwang-muwang ang bata sa pinaglalabanan ng magkabilang kampo.
“Naku naman, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, kilalang-kilala n’yo ang nagkakairingang pamilyang ito.
“Ayaw na ayaw ni Lolo Jose ang mga ganyang kuwento, sa totoo lang!” pagtatapos ng aming source.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.