Palasyo pinuri si Dureza sa kanyang delicadeza matapos magbitiw
PINURI ng Palasyo si dating Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza sa kanyang delicadeza matapos magbitiw sa pwesto sa harap ng alegasyon ng korupsyon sa dalawang opisyal ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Proces, na sinibak naman ni Pangulong Duterte sa kanilang katungkulan.
Sa isang pahayag, sinabi ni Presidential Spokesperson at Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na nagpapasalamat ang Malacanang sa naging serbisyo ni Dureza.
“We commend the former Presidential Adviser on the Peace Process for taking full responsibility and issuing an apology under the principle of command responsibility for the transgressions committed by his two subordinates. His resignation has set a concrete example and put a true meaning to the value of delicadeza and morality in governance. This is leadership by example,” sabi ni Panelo.
Nauna nang inihayag sa Bohol ni Duterte na tinanggap niya ang pagbibitiw ni Dureza, kasabay ng pagsibak sa mga opisyal ng OPAPP na sina Ronald Flores, Undersecretary for Support Services and Pamana National Program Management Office (NPMO) at Yeshter Donn Baccay, Assistant Secretary for Support Services and Pamana Concerns.
Idinagdag ni Panelo na nangangahulugan lamang na walang pinipili si Duterte sa kanyang kampanya kontra katiwalian.
“Their termination also underscores that the President remains resolute in stamping out corruption in the bureaucracy, which includes offices which are specialized in particular fields of governance. Like the war on drugs, the war on corruption must be fought unremittingly,” ayon pa kay Panelo.
Kasabay nito, binanggit ni Panelo ang naging kontribusyon ni Dureza sa itinutulak na usapang pangkapayapaan ng administrasyon ni Duterte.
“We take this occasion to thank Sec. Dureza for the services he rendered to the nation, particularly under the Duterte administration, where he assisted the President in walking the extra mile in advancing peace for the good of our nation and all Filipinos,” ayon pa kay Panelo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.