Ex-business partner ni Kris nagmatigas, ayaw umuwi ng Pinas
NABIBIGYAN na ng panahon ngayon ni Kris Aquino ang mga trabaho niyang naipon dahil sa pagpapagamot niya sa ibang bansa at pag-aasikaso na rin sa mga kasong isinampa niya laban sa kanyang da-ting empleyadong si Nicko Falcis.
Malaking panahon ang inubos kay Kris ng problemang ibinigay ng kanyang dating kasama sa trabaho, hanggang maaari sana ay gusto niyang maiayos ‘yun ng sila na lang, pero nabigo siya.
Ilang beses nakipagkomunikasyon ang kanyang mga abogado kay Nicko pero walang resulta, ang pamilya lang nito ang sumasalo sa problema, na hindi na nahintay pa ni Kris kaya kinailangan na niyang kasuhan si Nicko.
Nasa Thailand pa rin si Nicko hanggang ngayon, ayaw nitong umuwi ayon sa kanyang kapatid na si Attorney Jess Falcis, dahil baka raw ito ipapatay ng aktres-TV host.
Nasa piskalya na ang mga kaso, pati si Attorney Jess Falcis ay sinampahan din ni Kris ng 9 counts of libel, ipinauubaya na niya sa piskalya ang paghatol sa mga asuntong ihinain niya.
Trabaho na ang inaasikaso niya ngayon, kaila-ngan niyang mag-double time sa pagtatrabaho para makabawi siya, mahabang panahon din ang nalagas kay Kris dahil sa problemang naengkuwentro niya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.