Lee Min Jung, Joo Sang Wook balik-tambalan sa Fates And Furies
KOREAN word the Week: “Chukahaeyo” (informal: chukahae) – Nangangahulugan ito sa Ingles na “Congratulations”. Maaaring sabihin sa mga kakilala at mahal sa buhay if they deserve a round of applause.
q q q
Magkakasama muli ang mga bida ng Cunning Single Lady na sina Lee Min Jung at Joo Sang Wook sa bagong seryeng Fates And Furies. Gaganap si Min Jung bilang Goo Hae Ra at si Sang Wook bilang Tae In Joon.
Iikot ang kwento nito sa buhay ng apat na karakter, including So Ih Hyun as Cha Soo Hyun and Lee Ki Woo as Jin Tae Oh, at kung paano nagkabuhol-buhol ang kanilang buhay because of the said fates and furies.
Magkakagustuhan ang mga bidang sina Hae Ra, isang miserableng babae at In Joon, isang shoe maker na sisirain ng mga kontrabidang sila Soo Hyun at Tae Oh.
Gusto kasing makipagbalikan ni Soo Hyun sa kanyang ex na si In Joon, habang gusto namang angkinin ni Tae Oh ang kanyang love interest na si Hae Ra kahit gumamit pa siya ng dahas.
Melodrama ang atake ng drama kaya sure na kagigiliwan ito ng mga Titas of Manila na mahilig sa K-Drama. Ang SBS drama na ito ay sa direksyon si Jung Dong Yoon at sa panulat ni Kang Cheol Woong. – Janvin Brua
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.